Rocco nakatulog habang kinukunan ang eksena sa ‘DOTS PH’
NAPAGTRIPANG kunan ng character actor na si Ricardo Cepeda ang co-star niya sa “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” na si Rocco Nacino na nakatulog habang nagte-taping.
Ibinahagi ng veteran actor sa kanyang Instagram account ang kanilang “fun selfie moment” ni Jasmine Curtis na gumaganap na anak niya sa Kapuso primetime series.
Ayon kay Ricardo, kuha ang litrato nila nina Jasmine at Rocco sa mismong taping ng “DOTS PH”. Makikita ang aktor na nakahiga at tulog na tulog sa isang hospital bed.
Kaeksena raw niya sina Jasmine at Rocco na totoong nakatulog habang kinukunan ang isang eksena kung saan kailangang umarte ni Rocco na natutulog.
Caption ni Ricardo sa kanilang IG photo, “Fun selfie moment with Jasmine Curtis-Smith on the set of Descendants of the Sun Ph when very-tired Rocco Nacino really fell asleep in a scene where he was supposed to be just acting asleep.”
May video rin si Ricardo ng pagtulog ni Rocco sa eksena na ipinost naman ng Kapuso hunk sa kanyang Instagram account.
“Gusto ko lang ipaalala sa inyo kung gaano kamahal ni BGen Defensor and Capt Moira Defensor si TSG Diego Ramos,” caption ni Rocco sa nasabing litrato.
Gumaganap bilang si TSg. Diego ang binata sa “DOTS PH” habang sina Ricardo at Jasmine naman ay ang mag-ama sa kuwento na sina BGen. Defensor at Cpt. Moira Defensor.
Samantala, tinutukan at inabangan talaga ng Kapuso viewers ang pagbabalik ng “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad last Monday.
Certified trending nationwide ang mga eksena nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty.
Muli ring nagpakilig ang tandem nina Rocco at Jasmine bilang sina Sgt. Diego at Capt. Moira.
Sey ng netizens, looking forward na sila sa mga susunod pang kaganapan sa serye, lalo na sa upcoming fresh episodes ng “DOTS PH.”
Napapanood ang “Descendants of the Sun” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.