Tanong kay Alex: Paano mo nasiguro na nahawa ka ng COVID sa kasama n'yo sa bahay? | Bandera

Tanong kay Alex: Paano mo nasiguro na nahawa ka ng COVID sa kasama n’yo sa bahay?

Ervin Santiago - October 27, 2020 - 12:32 PM

PAANO nakasiguro si Alex Gonzaga na nahawa siya at ang buong pamilya nila ng COVID-19 sa isang kasama nila sa bahay?

Yan ang tanong ng ilang netizens sa TV host-actress matapos mapanood ang kanyang vlog kung saan inamin niyang tinamaan siya ng killer virus pati na ang mga magulang, fiancé na si Mikee Morada at ang assistant na si Sofie.

Sa pagkukuwento kasi ni Alex sa naging journey nila sa pakikipaglaban sa COVID, sure na sure siya na nagsimulang kumalat ang virus sa bahay nila dahil sa mga pagkaing inorder sa labas ng isang kasama nila sa bahay.

“Nakuha namin siya out of pagkain sa labas. Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours pagbalik niya siguro don niya nakuha ‘yung COVID,” pahayag ng actress-vlogger sa in-upload na video sa kanyang YouTube channel.

Dahil dito, isang netizen ang nagtanong kay Alex sa Twitter ng, “Paano mo naman nasabi na sa kanya ka talaga nahawa? I mean sobrang specific naman? Ang daming pwedeng maging cause kung saan pwede mahawa or maging carrier.”

Sagot ng dalaga, sa pamamagitan ng contract tracing at swab testing mabilis nilang nalaman ang pinagmulan ng COVID-19 outbreak sa kanilang tahanan.

“Meron po tinatawag na contact tracing. Kakauwi ko lang galing Nueva Ecija shoot at kakatapos lang swab namin at nag-negative ako.

“May una lumabas ang symptoms at lahat kausap niya after three days lumabas symptoms. Ako since asymptomatic mommy Pinty sa kanya ako nahawa,” tweet ni Alex.

Aniya pa, nang mag-positive na sa virus ang nanay niyang si Mommy Pinty Gonzaga, malamang daw na nahawa na rin sila kaya nag-self-isolation na silang lahat.

“The first time we did swab testing nag positive na sila plus mommy. Kami ni Mikee and si daddy  nag-negative pa but we knew nahawa na rin kami if my mom has it since we eat together.

“So before our second test nag-quarantine na rin kami and nag-positive kami. We always do swab test for work,” sabi pa ni Alex.

Sa COVID journey vlog ng kapatid ni Toni Gonzaga, naikuwento niya ang pinagdaanan ng kanyang pamilya habang nilalabanan ang killer virus. Ito rin ang dahilan kung bakit natigil siya sa pagtatrabaho.

“This week maraming nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ako lumalabas sa Lunch Out Loud (bago niyang show sa TV5), hindi pa ako nakapapakita sa show for two weeks it’s because nagka-COVID po ako and thank God ako po ay naka-survive.

“Actually the whole family nagkaroon ng outbreak dito sa aming bahay,” ani Alex.

“We survived COVID. We really have to be extra, extra, extra, careful. And that’s why I am showing you this to let you know that you can survive COVID, kaya niyo, huwag kayong mag-panic and if ever naman na hindi niyo na kakayin, you consult your doctors.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As much as possible you have to really take care of your body and boost your immune system kahit nasa loob lang kayo ng bahay,” mensahe pa ng TV host-vlogger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending