Robi nag-promise sa MayWard: Wala akong pakialam kung sino kayo sa showbiz, pero... | Bandera

Robi nag-promise sa MayWard: Wala akong pakialam kung sino kayo sa showbiz, pero…

Ervin Santiago |October 27,2020
facebook
share this

Robi nag-promise sa MayWard: Wala akong pakialam kung sino kayo sa showbiz, pero…

Ervin Santiago - October 27, 2020 - 10:15 AM

MAY ipinangako pala ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa magka-loveteam na sina Edward Barber at Maymay Entrata.

Ready daw anytime ang binata na tumulong at sumuporta kung sakaling hihingin ito sa kanya ng MayWard.

Naging malapit sa isa’t isa sina Robi at Edward dahil sa “Pinoy Big Brother Lucky 7” (2016). Naging housemate noon si Edward habang host naman si Robi at mula nga noon ay parang magkuya na ang kanilang relasyon.

“Simula’t sapul sinabi ko naman sa kanila, kina Maymay at Edward, wala akong pakialam kung sino kayo sa showbiz, pero may pakialam ako kung sino kayo bilang mga tao. At ipa-promise ko sa inyo na gagabayan ko kayo kung kailangan niyo ang tulong ko,” pahayag ni Robi sa “Magandang Buhay.”

Dugtong pa ng binata, “Hanggang ngayon ay tutuparin at tutuparin ko ang promise na ‘yon. Kaya Edward, if you need any help, I see you not as Edward Barber pero as Edward na kaibigan ko.”

Blessing naman para kay Edward ang friendship nila ni Robi at parang tunay na kuya na talaga ang turing niya rito.

“It’s hard to find some good friends na sobrang trustworthy at malalaman mo lang kung tunay na kaibigan ‘yung tao na ‘yan over time at pinakita ni Kuya Robi ‘yon since ‘PBB’ to now,” chika ng young actor.

May payo naman si Robi kay Edward,  “Just don’t be too serious. Tawag ko sa kanya batang-matanda. Kapag may isang bagay talagang pinag-iisipan niya ng sobrang daming beses.

“It’s a good thing, pero sa age mo na ‘yan, it’s a good age, a good time to make mistakes and to learn. Okay lang na magkamali, okay lang na madapa, basta ang importante ay tumayo ka at kung mahihirapan kang tumayo ay nandito lang kami para umalalay sa iyo,” dagdag na advice pa ni Robi sa binata.

Ito naman ang message ni Edward sa TV host, “Gusto ko lang i-remind si Kuya Robi na you are more than just a host, a name, money, or a business, an influencer or mentor. You are more than that.

“Parang if you lost everything you are still so much more than just that. ‘Yun lang ang reminder. You are bigger than all of that,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending