Kris umamin: Hindi ako kasing yaman tulad ng iniisip n’yo
MULING “nagpakilala” ang binansagang Queen of All Media na si Kris Aquino sa madlang pipol kasabay ng paandar niyang Q&A portion sa social media.
Dito, sinagot ng TV host-actress ang mga tanong ng netizens tungkol sa iba’t ibang aspeto ng kanyang buhay, kabilang na ang posibleng pagsabak niya sa mundo ng politika.
Nag-post si Kris ng kanyang litrato sa Instagram at game na game nga niyang nireplayan ang mga tanong ng mga followers niya.
Caption ni Tetay sa kanyang IG photo, “Hi… I’d like to reintroduce myself to all of you… My name is Kris Aquino, full name is Kristina Bernadette Cojuangco Aquino. I’m the youngest of the 5 children of Ninoy and Cory Aquino. And I’m the mom of Josh & Bimb.
“If you feel like getting reacquainted, I’ll do my best to answer as truthfully as is PROPER, whatever questions you may now have for me. Ready na,” aniya pa.
Isa sa mga ibinatong tanong kay Kris ay, “Is there any chance you’ll still work with ABS-CBN?”
Sagot ng Original Horror Queen, “I’d like to think bridges can always be built.” Meaning, may posibilidad pa rin talagang mapanood sa Kapamilya Network ang mommy nina Joshua at Bimby. Hindi nga lang niya sure kung kailan.
Isang netizen naman ang nagtanong sa kanya kung bakit hindi na lang siya ang mag-produce ng sarili niyang TV show at maging blocktimer sa TV5 o sa GMA 7.
“We missed you on TV. Is it not possible that you can be the producer of your own show just like some celebrities?” usisa sa kanya ng netizen.
Sey ni Kris, wala siyang malaking halaga ng pera para mag-produce ng TV show, “Hindi ako kasing yaman as you may think I am.”
Tungkol naman sa pagpasok niya sa magulong mundo ng politika, ito ang tanong ng isa niyang IG follower “Seeing yourself in politics in 5 years?”
Reply sa kanya ni Kris, “It’s destiny- so I can make all the plans but it’s really all up to God’s plan for my life.”
May nangumusta rin sa current health condition niya ngayong panahon ng pandemya, “Are you totally well na, recovered from all the illnesses you had before?”
Sagot ni Tetay, “There’s no cure… There are okay days & there are not so okay days… I just promised myself the not okay ones are only for me & those living with me to know.”
Sey pa ng award-winning TV host, masaya at kuntento naman siya sa buhay niya ngayon kasama pa rin ang pinakamamahal niyang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.