NTC hiniling na paluwagin ang proseso sa paglalatag ng fiber optic network sa bansa | Bandera

NTC hiniling na paluwagin ang proseso sa paglalatag ng fiber optic network sa bansa

Karlos Bautista - October 26, 2020 - 07:31 AM

Hiniling ng National Telecommunications Commission (NTC) na paluwagin na rin ang proseso ng pagkuha ng permit para sa paglalatag ng fiber optic networks sa bansa.

Ayon sa joint letter nina NTC Commissioner Gamalierl Cordoba at Deputy Commissioners Delilah Deles at Edgardo Cabarios, mahalaga ito para sa masinop na integrasyon ng fiber optic cable at wireless technologies na kapwa kritikal na sangkap para sa national broadband network.

Ibinigay nilang halimbawa ang Joint Memorandum Circular No. 1 s. 2020 kung saan ay pinagaan ang mga rekisitos sa pagkuha ng permit, lisensiya, at mga sertipiko para sa pagtatayo ng shared passive telecommunicaitons tower.

Sinabi nila na ang joint memorandum ay nagresulta ng pagtatayo ng karagdagang base tower sa bansa lalupa sa mga lugar na wala pang cell towers.

Pero mahalaga umano ang paglalatag ng fiber optic networks dahil ito ang magbibigay ng fundamental telecommunication infrastructure para matugunan ang pangangailangan ng bansa sa information and communication technologies.

Sa kasalukuyan, ang fiber optic backbone infrastructure ng bansa ay binubuo ng PLDT Domestic Fiber Optic Network (DFON) at Globe Telecom Fiber Optic Backbone Network (FOBN). Dagdag pa dito ay ang pribadong telecommunication network ng National Grid Corporation of the Philippine’s (NGCP).

May iba pang kumpanyang nagsimula na ring magpalawak ng kanilang fiber optic networks gaya ng Converge ICT ang iba pang internet service providers. Ang DITO Telecommunity ay inaasahan din na magtatayo ng sarili niyang network.

Sinabi rin ng mga opisyla ng NTC na may koordinasyon silang ginagawa sa Department of Public Works and Highways para sa posibilidad na maamyendahan ang Department Order No. 73 s. 2014 para na  nagbabawal sa mga telcos na magkabit ng kanilang kable sa mga poste ng gubyerno sa mga pambansang lansangan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending