Malakanyang nagpaabot ng pagbati kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer |October 26,2020
share this

Malakanyang nagpaabot ng pagbati kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer | October 26,2020 - 05:02 PM
Rabiya Mateo

Rabiya Mateo wins the Miss Universe Philippines crown. PHOTO COURTESY OF MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang kay Miss Iloilo Rabiya Mateo matapos makoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nag-align ang mga bituin para iproklama si Mateo na pinaka-natatanging Filipina sa buong Universe.

“Nag-align ang mga bituin para siya ang i-proklamang pinakanatatanging Pilipina sa buong universe,” pahayag ni Roque.

Umaasa aniya ang Palasyo na magiging produktibo ang panunungkulan ni Mateo bilang Miss Universe Philippines.

“Congratulations ni Ms. Mateo and may her reign be fruitful and productive,” pahayag ni Roque.

Isa si Roque sa mga naging judge sa katatapos na Miss Universe Philippines pageant.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending