Condo ni Tekla na ginamit ng live-in partner sobrang dumi, kwarto iniipis na

Reggee Bonoan |October 26,2020
share this

Condo ni Tekla na ginamit ng live-in partner sobrang dumi, kwarto iniipis na

Reggee Bonoan | October 26,2020 - 04:25 PM
NANG una naming mapanood si Michelle Lhor Bana-ag, ang live-in partner at ina ng anak ng komedyanteng si Tekla ay awang-awa kami base na rin sa ipinakita niyang video na umabot na sa mahigit na 12 million views sa YouTube.

Bukod sa umano’y pang-aabuso sa kanya, napanood din sa video ang naging takbo ng usapan nila ni Tekla na hindi ito nagbibigay ng pambili ng pagkain kapag hindi siya pinasisiping ni Michelle.

Napalitan ng pagkainis at pagkairita ang naramdaman namin kay Michelle nang mapanood ang ipinost na video ni Donita Nose na kaibigan ni Tekla nang bisitahin siya nito sa condominium unit na inuupahan sa Quezon City.

Ayon kay Donita Nose nang kumustahin niya ang kaibigan through video call ay sobrang devastated ito at napansin niya na magulo ang paligid ng bahay at nakatambak ang mga gamit at maraming basura.

Sabi ni Tekla, dumating siya roon na magulo na at wala na ang mag-ina niya pati mga pamangkin nito.  Galing ng taping para sa isang show niya sa GMA ang komedyante.

Bilin ni Donita, walang gagalawin si Tekla sa condo dahil pupunta siya sa bahay nito at idodokumento ang lahat ng kalat at kung ano ang itsura ng unit ng lisanin ito nina Michelle.

Habang inililibot ang camera ay panay ang talak ni Donita dahil sobrang baho na ng bahay at marami ring ipis kaya pati kami ay napapa-eww din.

Unang ipinakita ang likod ng pinto kung saan nakatambak ang maraming walis at mga basura na may mga lata pa ng beer na ayon kay Donita Nose, “Mukhang nag-celebrate sila sa ginawa sa ‘yo.”

Ang lababo ay punumpuno ng malalaking bote ng soda, ang lagayan ng condiments ay magulo at marumi, may iniwang bowl na may kanin na panis na at pati ang lababo ay may nakabarang pagkain.

Binuksan lahat ni Donita ang mga kaldero na may mga lamang ulam at kanin na panis at iba pa ‘yung mga nasa lamesa na may supot pa kung saan binili ang mga naka-styro na nilalanggam at iniipis na rin.

“Sa totoo lang po may amoy (sabay suot ng facemask), kung ikaw taong matino, my God! (sabay bukas ng mga drawer na puro kalat at ipis),” sabi ni Donita Nose.

Sabi naman ni Tekla, “Dati malinis ‘yan, kinuha nila lahat ng de-lata (food stock).”

“So, may mga laman ito? Oh my God (sabay bukas ulit ng isa pang drawer na puro basura, at sa ilalim ng lababo na punumpuno ng bote ng soda). Hindi naman sa pag-aano, ah, kung ako siguro ‘yung tao na nakikipisan sa kanya (Tekla) for 6 years, kahit nga isang taon lang na pinapakain ka, kahit paano sana ang maitutulong mo ay maglinis ng bahay.”

May ipinakitang maliit na sako ng bigas si Tekla, “O, naka-Jasmin rice sila, mamahalin ang bigas nila, tapos sasabihin pinapagutuman ko?”

“Kita n’yo, hindi ko alam kung ano na ang marumi at malinis na damit dito (sabay tingin sa likod ng flat TV), ayan may mga ipis, ano ba ‘yun diaper o napkin (gamit na)?  Oh napkin, oh gosh, grabe, ayun napkin nga (may balot). Gosh, napakasalaulang babae!” sunud-sunod na talak ng kaibigan ni Tekla.

Pagpasok ng banyo ay mas naloka si Donita Nose dahil sobrang dumi na may mga damit na basa at nangangamoy na bukod pa sa may naiwan sa inidoro na binuhusan pa nito.

Sunod na pinasok ay ang kuwarto at mas malala dahil sira-sira lahat ang drawer, nakakalat na damit na may mga ipis, at basurahan ulit na punumpuno at maruming mattress na may mga mantsa.

“Ito ba ‘yung talsik?” birong sabi ni Donita kay Tekla na natawa lang.

“Sayang condo pa naman ito pero naging ganito ang itsura,” sambit pa ni Donita.

“Di ba may baby, makakakuha ng sakit, naka-aircon ang problema kulob kaya ang mga virus umiikot lang doon na puwedeng makuha ng bata,” kuwento ni Donita sa nabungarang kuwarto.

At dahil maraming nasirang gamit ay inamin ni Tekla na hindi niya alam kung paano babayaran lahat sa may-ari ng unit dahil bukod pala sa mga nasira ay may mga nabentang gamit din si Michelle na hindi na lang binanggit ng komedyante.

‘’Hindi ko alam kung paano ko ito re-repairin, akala ko sa akin lang sila (Michelle at pamangkin) pati pala rito sa unit (kasi sira-sira). Nu’ng lumipat ako rito maayos, kaya hindi ako makakaalis hangga’t hindi ko naibabalik ang itsura” kuwento ni Tekla.

“Kaya the best thing we could do is maglinis and move on ka na.  Umpisahan na natin ngayon (maglinis) pagtutulungan po natin,” say ni Donita.

Humingi ng tulong sina Donita sa staff ng condo building para maglinis sa unit ni Tekla. Sabi uli ni Donita, “Napakasalaula ni Michelle!”

Base sa napanood namin ng video ay puwedeng isang buwan itong iniwan kaya ganu’n karami pero base sa pagkakaalam namin ay wala pang dalawang araw itong iniwan ni Michelle kasama ang mga pamangkin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending