Vice takot na takot sa prank ni Kim, nagbanta: Humanda ka sa mga susunod na araw!
“THANK you ka ro’n? G*ga!” Yan ang nasambit ni Vice Ganda kay Kim Chiu nang i-prank siya nito bilang si Valak, ang demonic nun sa pelikulang “The Conjuring.”
Tawang-tawang nagpasalamat kasi si Kim sa netizens na nakapanood ng prank video niya sa Instagram na ikinaloka nga ni Vice.
“Nag-thank you ka?” diin pa ng “Showtime” host.
Si Vice ang victim #20 ni Kim na pinaka-successful sa ginawa niyang pananakot suot ang maskara ni Valak na inorder pa niya sa online store.
Napagtripan lang ng aktres-TV host na takutin ang mga kasama niya sa bahay at co-stars sa noontime show ng ABS-CBN.
Wala talagang kamalay-malay si Vice dahil dire-diretso siyang papasok sa dressing room niya galing sa studio at paglingon niya sa likod ng pinto ay bumungad si Valak at talagang napasigaw siya at sabay tulak kay Kim.
Napahinto, napaupo at nakatitig lang kay Kim si Vice habang hawak-hawak ang dibdib niya dahil sa sobrang takot.
“I love you mama, I love you mama,” paulit-ulit na sabi ni Kim kay Vice.
‘’Sorry natulak kita (sa boobs),” sambit naman ng TV host-comedian.
Nakatawa pa rin ang reaksyon ni Vice, “Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako.”
Tawang-tawa rin ang mga kakuntsabang staff ni Kim sa “Showtime” sa reaksyon ni Vice.
“Na-ganu’n (tulak) ko ‘yung dede niya (Kim),” sabi ni Vice sa lahat.
“Nasuntok niya ‘yung (boobs) ko, okay pa naman,” tumatawang sabi rin ng aktres.
“Sakit pa rin ng ulo ko. Walang lumalampas sa akin ng ganu’n-ganu’n lang. Humanda ka sa mga susunod na araw,” banta ni Vice kay Kim.
Anyway, bago naman si Vice ay failed lahat ang pananakot ni Kim kina T’yang Amy Perez, Karylle, Vhong Navarro, Jugs Jugueta at Jhong Hilario. Kaya tuwang-tuwa siya nang natakot niya si Meme Vice.
Hindi rin umubra ang Valak role ni Kim sa boyfriend niyang si Xian Lim na siyang victim #7. Dahan-dahang pumapasok ang dalaga sa loob ng bahay ng actor-producer-director at saktong nagbukas ng pinto.
“Buwiset, ha! Ha-hahaha! Musta?” bati niya kay Kim.
Dinig na dinig naman ang tawanan sa paligid dahil epic fail ang pananakot niya sa boyfriend, “Hindi umubra kay Xian,” saad ng dalaga.
Samantala, personal nang nakausap ni Kim ang spiritual healer na si Kuya Jesus na siyang nakakita ng tikbalang sa set ng horror movie na “U-Turn”.
Nabanggit din ng spiritual healer na clear sense o malakas ang pakiramdam ni Kim kaya alam niyang may kakaiba sa paligid niya.
At sa kalye kung saan madalas mag-U-turn sina Kim ay nararamdaman daw niya na laging mahangin pero nu’ng nagsabi na siyang “joke lang” ay tumigil agad ito.
Ayon sa spiritual healer ay tama na naman ang pakiramdam ni Kim dahil sinabi nitong may nakamasid na may malaking sungay na mas malala kaysa sa nakita nila sa bahay dahil bad spirit daw ito.
“Sobrang dilim po diyan, mapuno malamig,” paglalarawan ng aktres sa lugar kung saan sila nag-shoot.
“Actually, sobrang layo niya (bad spirit) nakatingin lang pero nahagip pa rin (ng camera). Kaya kapag may shooting kayo, laging mag-pray,” sabi ni Kuya Jesus.
Sabi naman ni Kim, “So far sa experience ko wala pa naman akong nakakausap, nakikita o nararamdaman.”
Sumunod naman ang talyer scene na may nagpakitang kaluluwa ng lalaki sa bandang likod ng dalaga at sa may gilid ay hindi mawari kung duwende ba iyon dahil mahaba raw ang ilong.
“Lagi kasing madilim ang location namin kasi nga horror,” saad ni Kim.
Sa tanong ng ate Lakam ni Kim sa spiritual healer, “Sa madaling salita kuya, lapitin si Kim?”
“Actually, yes!” mabilis na sagot ni kuya Jesus.
“Uy wag naman!” nabahalang sabi ng aktres. “Di ba ang mga lapitin, mga magaganda lang?” pampakalmang sambit ni Kim sabay tawa.
Ang paliwanag pa ng espiritista, “Kapag maganda ang awra, lapitin, pag malungkot lapitin, depende kasi tingnan mo, hindi rin sila nakakapasok sa ‘yo kasi hindi ka nila kaya, malakas ang energy mo.”
“I have the power and the might,” nakatawang sabi ni Kim.
Usisa pa sa healer, “Sabi nila kapag November 1 lumalabas ang mga multo?” Sagot ni Kuya Jesus, “Hindi lang November 1, lagi naman silang lumalabas.”
“Oo nga, lagi naman tayong nagtatakutan,” saad ng dalaga.
At para makasiguro ay natanong na rin ni Kim kung merong element o entity sa kasalukuyang bahay nila ngayon, “Wala, pero may mga bantay kayo, harmless sila.”
Speaking of “U-Turn”, sa Okt. 29 na ang premiere nito at sa Okt. 31 naman mapapanood through KTX mula sa Star Cinema at Clever Minds na idinirek ni Derrick Cabrido.
Sabi ng kasama namin sa bahay, “Nakakatakot talaga magdirek si Derick, ‘yan ang forte niya, horror, kita mo ‘yung Clarita ni Jodi Sta. Maria, kakaiba di ba? Ewan ko diyan kay Derrck morbid mga gusto.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.