Una at ikalawang landfall ni Typhoon Quinta, naganap sa Albay | Bandera

Una at ikalawang landfall ni Typhoon Quinta, naganap sa Albay

Karlos Bautista - October 25, 2020 - 07:46 PM

Pagasa

Dalawang beses na nag-landfall sa lalawigan ng Albay ang Bagyong Quinta ngayong Linggo ng gabi, apat na oras matapos na ito ay mabilis na lumakas at maging isang ganap na typhoon.

Unang landfall ni Typhoon Quinta ay naganap eksaktong 6:10 ng gabi sa San Miguel Island, Tabaco City, sa Albay, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Pagkatapos ng 40 minuto, naganap ang ikalawang landfall sa Malinao, Albay.

Nauna nang itinaas ang typhoon signal sa iba’t ibang bayan ng Luzon at sa Kabisayaan habang patuloy na lumalakas si Quinta habang patuloy itong tumatahak sa pa-kanlurang direksyon.

Nagbabala rin ang Pagasa na maaaring magdulot si Quinta ng storm surge na may taas na mula isang metro hanggang dalawang metro sa mga baybaying bahagi ng Northern Samar, Bicol Region, at sa gitna at katimugang bahagi ng Quezon.

Nakataas ang Signal No. 3 sa Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Sur (Goa, Ocampo, Bula, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Tigaon, Sagnay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua, Bato, Balatan), Albay, Sorsogon, at Burias at Ticao Islands.

Ipinailalim naman sa Signal No. 2 ang mga bayang ito sa Luzon: Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Masbate, ang gitna at katimugang bahagi ng  of Quezon (Mauban, Sampaloc, Lucban, Dolores, Candelaria, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Perez, Alabat, Calauag, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Plaridel, Gumaca, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Macalelon, Catanauan, General Luna, Buenavista, San Narciso, Mulanay, San Andres, San Francisco), ang katimugang bahagi ng Laguna (Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Luisiana, Majayjay, Liliw, Rizal, Nagcarlan, San Pablo City, Alaminos, Magdalena, Pagsanjan), Batangas, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Island. Sa Visayas, nakapailalim sa Signal No. 2 ang Northern Samar.

Nasa Signal No. 1 sa Luzon ang mga sumusunod na bayan: Nalalabing bahagi ng  Quezon, nalalabing bahagi ng Laguna, Rizal, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, katimugang bahagi ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, Castillejos, Subic, San Antonio, Olongapo City, Botolan, Cabangan), at Calamian Islands.

Sa Visayas, nakapailalim sa Signal No. 1 ang hilagang bahagi ng Samar  Samar (Calbayog City, Matuguinao, Tagapul-An, Santo Nino, Almagro, Santa Margarita, Gandara, San Jose de Buan, Pagsanghan, Tarangnan, San Jorge, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas), ang hilagang bahagi ng  Eastern Samar (Maslog, Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft), ang hilagang bahagi ng Capiz (Sapi-An, Ivisan, Roxas City, Panay, Pilar, Pontevedra, President Roxas), Aklan, ang hilagang bahagi ng Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi), at ang hilaga-silangang bahagi ng Iloilo (Batad, Balasan, Estancia, Carles).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending