Direk Cathy nag-warning sa mga kaibigan: May poser ako na nanghihingi ng kung anu-ano | Bandera

Direk Cathy nag-warning sa mga kaibigan: May poser ako na nanghihingi ng kung anu-ano

Reggee Bonoan - October 25, 2020 - 05:46 PM

NAGBABALA ang blockbuster direktor na si Cathy Garcia Molina sa lahat ng kakilala at nakakakilala sa kanya na meron siyang poser na nanghihingi ng kung anu-ano.

Sa zoom conference para sa fundraising project niyang “Pakpak ng Pangarap” para sa 100 laptops na ibibigay sa mga estudyanteng walang magamit sa kanilang online classes ay naikuwento niya ito.

Nagugulat na lang daw siya dahil may mga natatanggap siyang mensahe at tawag na tinatanong kung okay siya.

“Itong poser kong ito, ilang linggo na, siguro last month pa, nanghihingi. Poser ko siya parang ako talaga kasi alam niya lahat tungkol sa akin. Pictures ko, kaibigan pa ibang artista kasi akala nila ako.

“Pamangkin ko nag-message sabi niya, ‘Pinapatanong po ng tatay ko kamusta po kayo. Okay daw po ba kayo? Kasi nag-post daw po kayo na you’re in need of help,’ ganyan, ganyan,” simulang kuwento ng direktora.

At ang labis niyang ikinaloka ay nanghihingi raw siya ng load, “Kaninang umaga (Huwebes) akala ko tumigil na siya, but I got a call from my Globe relations manager. Sabi niya, ‘Direk, did you message me this morning sa messenger po?’

“Sabi ko hindi. ‘At saka hindi naman tayo friends sa messenger,’ sabi ko. Sabi niya, ‘Nag-message ka po. Nanghihingi kayo ng load. Buti na lang alam kong hindi kayo yun kasi alam niyang nasa Globe ako, eh.’ Alam niyang naka-line ako. So binlock niya agad.

“Ang hirap tumulong minsan kasi katulad nu’n, baka isipin ng mga tao na humihingi ako ng tulong. Hindi ko alam kung ilan na ang nagbigay sa kanya. Ang pangit lang.

“Sabi ko okay lang kung poser, okay lang tutal nagpo-promote naman siya ng aking mga bagay, bagay. Pero yung manghingi ka, under the disguise of my name, is not right anymore. Kaya minsan yung mga artista natin kahit willing tumulong, medyo ano rin sila kasi totoo ba ito o hindi?

“That’s why with me there asking for help, alam naman nila na hindi ko sila gagantsuhin. Kaya siguro mas maluwag sa kanila kasi alam nilang mapupunta sa matino. Kasi lahat ng proceeds nitong Pakpak ng Pangarap zero walang kukunin ang Nickl Entertainment. We really just want to help,” paliwanag ni direk Cathy.

Ilang beses na ring ini-report ito ni direk Cathy, “A friend of mine tinulungan na ako kaya daw nasasagot daw lahat ng security questions. So hindi ko na alam.

“Puwede ko daw ipa-NBI kung magkakaroon ng talagang deal na magbibigay na act, yung parang ganu’n. It’s so hard. Hindi ko alam. Sana nanonood siya sa akin and I hope I’m okay with you pretending to be me but please do not ask for things like that.

“I don’t do that. Kasi kung ako may kailangan, personal akong pupunta sa mga kaibigan ko and dahil kaibigan ko sila, I will not post on my wall and ask for help. Nalungkot naman ako sa self ko, my God. Ha-hahaha! Kung wala na ako, I will not beg around asking for load,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, kumakatok sa lahat si direk Cathy para sa fundraising auction event nilang “Pakpak Ng Pangarap” na magaganap sa Okt. 31, Sabado 9 a.m. to 3 p.m. via KTX sa halagang P99 (per ticket).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending