Alden, Direk Cathy nasa Hong Kong na para sa ‘Hello, Love, Again’
KASALUKUYAN nang nasa Hong Kong ang aktor na si Alden Richards, pati ang direktor na si Cathy Garcia-Samapana kasama ang production team!
Ito ay para sa taping at shooting ng inaabangang pelikula na “Hello, Love, Again.”
Sa isang Instagram video, makikitang nasa Hong Kong airport sila dala-dala ang kanilang mga bagahe.
Maririnig sa video na nagtanong si Direk Cathy sa kanyang mga kasamahan: “Anong meron?”
Sagot ng isa, “Dito sa…,” at bigla namang sumingit si Alden at hyper na sumagot kagaya sa nag-trending niyang video sa Miss Universe Philippines, “Hong Kong!”
Baka Bet Mo: Alden dumepensa sa ‘sigaw at galit’ hosting sa Miss Universe PH 2024
Caption naman ng direktor sa nasabing post, “Dito na si Ethan!” –na tinutukoy ang role na ginagampanan ng aktor sa pelikula.
Kalakip din niyan ang hashtag na “HLA.”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans ang super excited na sa bagong pagtatambalan nina Alden at Kathryn Bernardo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Hoy! OMG can’t wait for this [holding back tears, red heart emojis]”
“Finally!!!!! Excited na po kami. Hihi [happy face with hearts emoji]”
“Omg so excited for this [happy face with heart eyes emoji] Welcome here in Hongkong po [red heart emoji] Sana makita ko kayo dito [heart hands emoji] Enjoy po”
“HONGKONG! [laughing emojis] I can’t wait for this movie. @bernardokath we miss you! [red heart emojis]”
Samantala, agaw-pansin ang recent IG posts ng co-stars ni Alden sa “Hello, Love, Goodbye” na sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam.
Ibinandera kasi nila ang throwback photos sa set na tila ipinaparating na makakasama rin sila sa bagong pelikula.
View this post on Instagram
As of this writing, wala pang detalye tungkol sa storyline, release date at iba pang cast members.
Wala ring balita kung nasa Hong Kong na rin si Kathryn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.