Mega maraming construction worker ang binigyan ng trabaho sa gitna ng pandemya | Bandera

Mega maraming construction worker ang binigyan ng trabaho sa gitna ng pandemya

Ervin Santiago - October 25, 2020 - 09:28 AM

SA panahon ng pandemya, malaking tulong sa mga manggagawang Pinoy ang pagpapatayo ng bahay ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbigay ng update ang singer-actress tungkol sa ipinatatayo niyang bagong bahay para sa kanyang pamilya.

Makikita sa ipinost niyang mga litrato at video kung gaano karami ang mga construction workers na gumagawa ng ipinagagawa niyang mansyon.

“When your contractor constantly updates you with video & photos of the construction of your house, and you cannot contain your excitement!” ani Sharon sa caption.

“My fabulous workers being so disciplined. Also so very systematic and methodical in their work. Am so proud of them!” dagdag pa niyang mensahe.

Sa isa pa niyang IG post, ibinahagi rin ni Sharon ang litrato kung saan nagpasalamat pa sa kanya ang mga trabahador sa construction site dahil nga nagkaroon muli sila ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nag-effort pa ang mga ito sa pagpapagawa ng  banner na may nakasulat na, “Thank you Mega.”

“And your workers know you truly appreciate them and do this!” ang iniligay namang caption ni Shawie sa nasabing larawan.

Isa si Sharon sa mga local celebrities na talagang kinakarir ang pag-i-invest sa real estate kaya siguradong napakarami na niyang properties ngayon.

Bata pa lang daw ay nagkaroon na siya ng interes sa real estate kaya nang magsimula nang magtrabaho at kumita nang malaki ay talagang nag-invest siya nang bonggang-bongga sa pagbili ng mga lupa.

“Kapag may sarili ka na, nagtrabaho ka pa, pati mga asawa at anak mo nagtatrabaho, pwede naman kayong magsosyo at bumili ng isa pang property na pwede ninyong ipa-upa hanggang lumaki ‘yun ng lumaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pagdating ng araw, tataas ‘yung value nun. Ibebenta ninyo, kumita pa kayo,” payo pa ni Sharon sa pamilyang Pinoy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending