Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 367,819 na | Bandera

Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 367,819 na

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 24, 2020 - 04:08 PM

Mahigit 2,000 ang panibagong kaso ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado (October 24), umabot na sa 367,819 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 47,773 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,057 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

May kabuuang 83.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.4 porsyento ang asymptomatic; 1.8 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 19 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,934 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 442 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 313,112 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending