Joji Alonso kinarir ang pagpo-produce ng sitcom para makapagbigay uli ng trabaho | Bandera

Joji Alonso kinarir ang pagpo-produce ng sitcom para makapagbigay uli ng trabaho

Reggee Bonoan - October 22, 2020 - 03:56 PM

NANG huli naming makausap ang Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso ay nabanggit nitong takot pa siyang gumawa ng pelikula at ayaw niyang isalang ang production staff sa panahon ng pandemya.

Kaya naman bumilib kami nu’ng ikuwento niya na sa ilang buwang walang trabaho dahil sa lockdown ay tuloy pa rin ang suweldo ng mga tao niya at wala siyang tinanggal sa mga ito.

Nang mabalitaan niyang naghahanap ng content provider ang Brightlight Productions na pag-aari ni ex-congressman Albee Benitez ay nagbakasakali siyang mag-pitch. Nag-usap din sila ng direktor na si Jeffrey Jeturian na walang show ngayon sa ABS-CBN pati na ni Alpha Habon na isang scriptwriter.

Si Alpha Habon ang writer ng film festival entry ng Quantum Films na “Buy Now, Die Later”, at nakitaan siya ng potensiyal ni Atty. Joji sa pagdidirek kaya naisipan niya itong bigyan ng break.

“Concept ko ang Oh My Dad na hango sa ‘oh my God’ obviously, so ganu’n ang simula, Regs,” say ni Atty. Joji sa amin.

Kaya nang i-present nila ito sa TV5 at Cignal ay nagustuhan kaagad kasi nga walang sitcom kaya pasok at dito na nila binuo kung sino ang mga bibida sa show.

Sumakto naman na ang mga naisip nilang cast ay mga walang offer sa Kapamilya network at isa na nga si Ian Veneracion na pagkalipas ng apat na dekada ay muli nitong babalikan ang comedy kung saan siya unang nakilala — sa sitcom na “Joey & Son” kasama si Joey de Leon.

At base sa reaction ng mga nakapanood sa rushes ng “Oh My Dad” ay swak na swak si Ian sa pagpapatawa.

Nabanggit pa na reunion nina Atty. Joji at direk Jeffrey ang “OMD” dahil siya rin ang direktor na pinrodyus noon ng Quantum pagkalipas ng 28 years.

Hindi naman itinanggi ni Atty. Joji na kailangan na ng mga tao niya ng trabaho kaya ito rin ang dahilan kung bakit pinursige niya ang show.

Anyway, sikat na basketball player si Ian as Matthew sa show at mabenta bilang endorser at showbiz gigs kaya naman bongga ang lifestyle.

Pero nabahiran ang linis ng pangalan niya nang masangkot sa isang iskandalo kaya lumipad pa-Amerika. Bumalik sa bansa matapos ang ilang taon at isa pa ring bachelor.

Umaasa rin siyang maibabalik ang kasikatang tinamasa. Pero sa pagbalik niya ay hindi niya alam na may naiwan siyang mga anak na hindi lang isa kundi tatlo na gagampanan nina Sue Ramirez, Adrian Lindayag at Louise Abuel.

Makakasama ni Ian si Dimples Romana na gaganap na kababata niya. Unang sabak ito ni Dimples sa sitcom matapos hangaan sa husay sa “Kadenang Ginto.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Oh My Dad” simula sa Sabado, Okt. 24 sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending