Jodi dedma sa nega kaya idol ng mga ina; Dimples swerte kahit may pandemya
HINIKAYAT ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang mga Pinoy na mas kumapit pa sa kanilang pananampalataya sa Diyos ngayong patuloy pa rin ang banta ng pandemya.
Isa si Jodi sa mga kilalang celebrities na talagang maka-Diyos base na rin sa mga inspiring message na ipino-post niya sa social media. Isa ito sa dahilan kung bakit maraming mommy ang umiidolo sa kanya.
Recently, muli ngang pinaalalahanan ng Kapamilya actress ang madlang pipol na laging hanapin ang positibo sa bawat kanegahang nangyayari sa ating buhay.
Aniya sa kanyang IG post, “When problems overwhelm us sometimes we think of what could happen next. We envision the worst case scenario – i guess it is because our minds are good at what I call ‘film showing’.
We get anxious and fear cripples us. We get discouraged and downhearted.
“Lahat siguro nakaka-relate dito dba? But friends, I hope we realize that God has never been out of control over His creation for one fraction of a second since the beginning of time.
“Knowing and accepting this – that He is sovereign and in control is vital to our inner peace. He is our protector. He is our peace. He will carry out His purpose for us and meet our needs.
“This means — EVERYTHING we experience — even the ‘bad’ things — He will turn for our good and for the glory of His name — if we’ll TRUST Him as our sovereign God.”
Samantala, tapos na ang quarantine period sa maraming lugar at unti-unti ay sumusubok ang mga tao na ipagpatuloy ang buhay sa ilalim ng new normal.
Ito ay kahit may takot at alinlangan pa rin ang karamihan dahil sa banta ng COVID-19, sige lang kasi kailangan para sa mga umaasa sa atin.
Nakakalungkot lang minsan, na habang ingat na ingat ka at sumusunod sa health and safety protocols ay may mga hindi pa rin sumusunod na nagiging sanhi ng patuloy na pagkalat ng virus.
Kaya very timely and relevant ang bagong public service campaign ng Unilab, Inc. na “Malasakit Para Sa Isa’t Isa.”
Layunin nito na paigtingin ang nasimulang kampanya ng Department of Health o DOH laban sa coronavirus.
Mismong ang brand ambassador ng Unilab na sina Jodi Sta. Maria at Dimples Romana ay nag-post din ng nasabing public service ad sa kanilang social media pages upang palaganapin ang mensahe nito na talaga namang akmang-akma sa kasalukuyang panahon ng pandemya.
Kaya naman patuloy na umaani ng blessings ang dalawang mahuhusay na aktres na sa kabila ng mga nangyayari hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin sa buong mundo ay patuloy pa rin silang nakapagbibigay ng inspirasyon sa lahat.
Si Jodi ang kasalukuyang mukha ng Biogesic at Biogesic for Kids nitong huling anim na taon, habang si Dimples naman ay ang isa sa pinakabagong kapamilya ng Unilab na ngayo’y nag-eendorso na ng pambatang Solmux kasama ang napakabibo niyang anak na si Alonzo.
Malalim ang mensahe ng nasabing kampanya dahil hindi lang ito tungkol sa mga protocol. Tungkol din ito sa pagkakaroon ng malasakit na sabihan ang iba kung sila ay nakakalimot na sumunod.
Magalang na pagpapaalala at may ngiti sa labi dahil ginagawa ito ng may tunay na pag-aalala para sa iba. Huwag daanin sa taas ng boses o init ng ulo.
Hindi ito nakatuon sa pansarili lang kundi talagang para sa lahat. Imagine kahit anong ingat mo, pero paano ang iba na kailangan ng paalala, lalo na yung mga pasaway. At kung sakali man na ikaw naman ang makalimot, hindi mo ba gugustuhin na may magpaalala rin sa’yo?
Maliit na bagay lang ito kung tutuusin pero kung ang lahat ng tao ay magiging ganito ang pananaw sa health and safety protocol, ang paalalahanan ang mga nakakalimot ay malaki ang magiging impact nito sa patuloy na laban kontra COVID-19 at tuluyan na itong maglaho.
Speaking of Jodi pa rin, patuloy na umaani ngayon ng papuri ang aktres dahil sa Kapamilya series na “Ang Sa Yo Ay Akin” kung saan bentang-benta ang mga ganap at linyahan nila ni Iza Calzado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.