Train marshals itinalaga sa mga istasyon ng MRT-3 | Bandera

Train marshals itinalaga sa mga istasyon ng MRT-3

- October 20, 2020 - 05:30 PM

Kasabay ng pagtataas ng passenger capacity sa mga tren, nagtalaga ang MRT-3 ng mga station marshals sa lahat ng mga istasyon nito.

Ito ay para masigurong napapanatili ang kaayusan at masiguro na nasusunod ang mga health and safety protocols.

Sinisiguro ng mga station marshals na ayon sa itinakdang capacity ang bilang ng mga pasahero na sumasakay sa loob ng mga bagon ng tren.

Itinaas na ang kapasidad ng mga tren sa 30% (124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set), mula sa dating 13% (51 na pasahero kada train car, 153 na pasahero kada train set).

At upang lalong masigurong ligtas ang mga pasahero, mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa loob ng mga tren, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono

3) Bawal kumain

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation

5) Laging magsagawa ng disinfection

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon

7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending