Maja may napatunayan bilang artista: Hindi lang pera-pera ang laban sa showbiz... | Bandera

Maja may napatunayan bilang artista: Hindi lang pera-pera ang laban sa showbiz…

Ervin Santiago - October 20, 2020 - 01:41 PM

HANDANG iwan ni Maja Salvador ang mundo ng showbiz kapalit ng pagkakaroon ng masaya at maayos na pamilya.

Hindi raw magdadalawang-isip ang aktres na isakripisyo ang kanyang career kung ito ang gusto ng mapapangasawa niya pati na ng magiging mga anak nila.

Sa latest vlog ni Enchong Dee, nagkaroon siya ng chance na maka-bonding si Maja nang magpunta sila kamakailan sa Amanpulo, Palawan.

Isa si Enchong sa iilang invited guests para sa surprise birthday celebration ni Maja roon na in-organize ng boyfriend nitong si Rambo Nunez at ilan pa niyang kapamilya.

Sa YouTube video na ipinost ni Enchong, game na game na sinagot ni Maja ang mga personal questions tungkol sa kanyang career at personal na buhay.

Sa tanong kung ano ang biggest at proudest moments sa buhay niya ang hinding-hindi niya malilimutan, tugon ng dalaga “Isang malaking achievement talaga ‘yung brother ko, napagtapos ko ng pag-aaral and makita mo siyang nag-grow talaga.”

Inamin din ni Maja kay Enchong na noong kabataan niya ay may mga nagawa rin siyang sablay, lalo na sa kanyang trabaho, “Hindi ko sineseryoso ‘yung work. Parang maraming kumukuha sa akin.

“Bata pa lang ako, mga 16 or 17 years old. Pero doon ko na-realize na parang lagi na lang puro ‘ASAP.’ Wala akong serye. Kasi parang ang tingin nila, kino-quota ko lang, hindi ko ginagalingan ‘yung mga project na ginagawa ko” pag-amin ng actress-dancer.

Habang tumatagal sa showbiz ay nagma-mature rin ang pananaw niya sa buhay at napakarami raw niyang natutunan sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa entertainment industry.

Napatunayan daw niya na hindi lang basta kumikita ka sa pag-aartista ang mahalaga, “Hindi pala pera pera lang sa industry. Kailangan may passion ka rin sa ginagawa mo.”

Sumunod na tanong sa kanya ni Enchong kung nai-imagine ba niya ang sarili na tatanda sa showbiz,  “Basta alam ko hindi ako mawawala sa industry.

Pero like kunyari pumasok na ako sa family life, siyempre may time na magpo-focus ka muna maging nanay, ‘di ba?

“Pero hindi ibig sabihin na mawawala ka sa industry. Parehas naman tayo, ‘di ba? Iba kapag marami kang napapasaya,” dagdag ni Maja.

Ngunit aniya, ibang usapan na raw kapag pamilya na ang nakataya. Handa niyang isakripisyo ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay.

“Kahit sinong mag-request nu’n basta parte ng pamilya ko. Sa pamilya ko pa lang now, sa mama ko, grabe ako mag-love, mag-effort, grabe i-cherish.

“So, what more kung magkakaroon ako ng sarili kong family and kunyari sasabihin ng magiging anak ko na, ‘Ma, kailangan kita sa ganito ko.’ So, paano ka tatanggi du’n, ‘di ba?”

“Kung ire-request ‘yun ng magiging asawa ko or ng magiging anak ko, (gagawin ko). Kasi time ang pinakamaibibigay mo sa kanila. Nauubos ng work natin ang oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Minsan nga, alam mo ‘yung napapatulala ka. ‘Anong nangyari for 17 years? Tapos na pala mag-aral ‘yung kapatid ko. Mag-aasawa na pala ‘yung pinsan ko.’ Kasi masyado tayong naka-focus sa work. I will adjust. I will give it to them,” ang paninigurong pahayag pa ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending