Maja binanatan ng bashers matapos i-promote ang show sa TV5; Rambo Nuñez to the rescue | Bandera

Maja binanatan ng bashers matapos i-promote ang show sa TV5; Rambo Nuñez to the rescue

Ervin Santiago |October 19,2020
facebook
share this

Maja binanatan ng bashers matapos i-promote ang show sa TV5; Rambo Nuñez to the rescue

Ervin Santiago - October 19, 2020 - 10:42 AM

IPINAGTANGGOL ni Rambo Nuñez laban sa mga bashers at haters ang kanyang girlfriend na si Maja Salvador.

Ito’y matapos ngang mapanood si Maja sa bagong weekly musical show ng TV5 kasama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan at Jake Ejercito, ang “Sunday Noontime Live” (SNL).

Maraming natuwa nang muli nilang masilayan si Maja na humahataw on stage pero may mga netizens din ang bumatikos sa kanya at sinabihan pa siyang walang utang na loob.

Sabi ng ilang bashers, nilayasan na nga niya ang ABS-CBN ay sumali pa siya sa programang direktang makakalaban ng dati niyang show na “ASAP Natin ‘To.”

Last Friday, nag-post sa Instagram ang dating Kapamilya actress-dancer kung saan inimbitahan nga niya ang kanyang followers na tutukan ang pilot telecast ng kanilang Sunday show.

Ang inilagay niya sa caption, “Sunday Noontime Live! October 18, 2020

“Sunday 12nn.

“Directed by: Johnny Manahan.

“2 days to go na lang! Exciting!!!!”

Dito nga nagkomento ng ilang kanegahan ang bashers ni Maja pero mukhang walang oras ang aktres para sagutin pa at resbakan ang mga ito.

Sa halip, ang boyfriend nga niyang si Rambo ang sumagot sa mga haters at trolls kasabay ng pagbibigay ng words of encouragement para sa kanyang girlfriend.

Ani Rambo kay Maja, “I’m very very proud of you!

“People wouldn’t know how you ended up in your situation but all i can say is that you’re blessed with a very good heart.

“All of us who love you are right behind you all the way.”

At mas naging proud pa nga ang binata nang mag-trend si Maja sa Twitter pati na ang first episode ng kanilang Sunday show.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost pa ni Rambo ang screenshot ng top trending topic sa Twitter Philippines kung saan naroon ang name ng aktres.

Ani Rambo sa caption nito, “You never fail to entertain!”

Kung matatandaan, bago pa makumpirmang lilipat na siya sa TV5, nag-post si Maja ng mensahe ng pasasalamat sa ABS-CBN.

“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN.

“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si MR.M (Johnny Manahan, direktor ng SNL) kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending