Bugoy bilang batang ama: Mas iniisip ko na ngayon ang mag-ina ko kesa sa akin | Bandera

Bugoy bilang batang ama: Mas iniisip ko na ngayon ang mag-ina ko kesa sa akin

Ervin Santiago |October 19,2020
facebook
share this

Bugoy bilang batang ama: Mas iniisip ko na ngayon ang mag-ina ko kesa sa akin

Ervin Santiago - October 19, 2020 - 09:35 AM

BIGLANG nag-mature ang isip at puso ng dating child star na si Bugoy Carino nang ipanganak ang panganay niyang si Baby Scarlet.

Aninado ang dating member ng Hashtags na hindi naging madali para sa kanya ang magkaroon ng napakalaking responsibilidad sa murang edad.

Pero ayon kay Bugoy, sa tulong na rin ng partner niyang si EJ Laure na  kilalang volleyball player mula University of Santo Tomas, unti-unti niyang natutunan ang pagiging mabuting tatay.

“Siyempre po nu’ng una, hindi naging madali sa akin. Siyempre kasi hindi ko naman po alam kung paano maging daddy, kung paano alagaan yung baby.

“Pero habang tumatagal, natututunan ko. Kasama ko po yung mama ko, yung family na nagga-guide sa akin. Habang tumatagal naman, natututunan ko and mas nagiging madali naman po,” ani Bugoy sa interview ng “I Feel U.”

“Mas nag-mature siguro yung pag-iisip ko. Mas iisipin ko na ngayon yung baby ko kaysa sa akin. Siyempre ganu’n naman po ang mga parents.

“Yung pangarap ko na ngayon siyempre yung magkaroon ng magandang buhay yung mag-ina ko, siyempre magkaroon kami ng bahay,” paliwanag pa ng dating child actor.

Tinanong din ang young parents kung paano nila tinanggap ang iba’t ibang reaksyon mula sa publiko matapos nilang aminin ang pagkakaroon nila ng anak.

“Kasi si Bugoy ever since talaga wala siyang paki sa sasabihin ng tao. Nu’ng nagtagal yung relationship namin, parang natutunan ko na ring dedmahin.

“Hindi ko pinapansin yung mga sinasabi ng ibang tao. Ang importante kung anong meron sa aming dalawa at yung kay baby,” sey ni EJ.

Ayon kay Bugoy, si EJ ang talagang apektado kapag nakakabasa ng mga negative comments sa social media, “Sinasabi ko lang, ‘Okay na iyan. Huwag mo na lang pansinin.’ Hindi rin ako nagpapaapekto para siya rin hindi maapektuhan.

“So, sasabihin ko lang sa kanya na huwag na intindihin kasi wala naman magagawa sa atin yun, hindi naman tayo pinapalamon. Parang ganu’n po yung sinasabi ko sa kanya,” ani Bugoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, ginagawa nina Bugoy at EJ ang lahat para maging mabuti at responsableng parents. Lahat daw ng pagsisikap at pagsasakripisyo nila ay para kay Baby Scarlet.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending