Gary V bilang cancer survivor: There’s a bigger C, and that’s Christ

By Ervin Santiago October 18,2020
share this

Gary V bilang cancer survivor: There’s a bigger C, and that’s Christ

By Ervin Santiago October 18,2020 - 12:25 PM

“THANK God. I’m good.”

Yan ang naisigaw ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos lumabas ang resulta ng kanyang medical test kamakailan.

Sumailalim kasi ang award-winning OPM icon sa ilang medical examination para malaman ang update at development sa kanyang health condition.

Bahagi ito ng regular niyang pagpapa-check up para mabatid ang kundisyon ng kanyang katawan matapos nga siyang tamaan ng cancer dalawang taon na ang nakararaan.

Para sa Kapamilya singer, isang “himala” ang kanyang paggaling matapos ma-diagnose ng cancer noong 2018.

Ilang beses ding sumailalim si Gary sa medical procedures, kabilang na ang open-heart surgery at ang operasyon para matanggal ang malignant tumor sa kidney.

Kamakailan, masaya ngang ibinalita ng singer-actor sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Instagram ang good news sa kanyang current health condition.

Mapapanood sa video ang ginawa niyang paghahanda mula sa pagpunta sa isang clinic para sa kanyang medical exam. Dito, ipinakita niya ang equipment na gagamitin sa kanya para sa CT scan.

“The testing is supposed to determine if everything is okay inside, or if anything has tried to make its way back into my body since 2018,” ani Gary.

Ayon sa veteran OPM artist, nakaramdam siya ng anxiety sa muling pagpapatingin sa ospital ngunit aniya, mas nananaig pa rin ang pagiging positibo niya sa buhay.

“I’m believing I’m okay. I just wanted to share this with those of you who may have had to encounter things like this, dealing with the big C.

“But don’t fear. Through it all, there’s a bigger C. That’s Christ who’s with us. Whether are not we’re going through anything, He’s always with us,” sabi ni Gary V sa kanyang video.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Gary sa Diyos nang malaman ang result ng kanyang medical test, “I’m good. Thank God. I’m good.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending