Bagong Star Pop talent na si Kanishia aariba na; handa ring sumabak sa akting | Bandera

Bagong Star Pop talent na si Kanishia aariba na; handa ring sumabak sa akting

Ervin Santiago |October 16,2020
facebook
share this

Bagong Star Pop talent na si Kanishia aariba na; handa ring sumabak sa akting

Ervin Santiago - October 16, 2020 - 03:11 PM

IPINAKILALA na ng Star POP music label ang pinakabago nitong artist — ang promising young singer na si Kanishia. Humarap ang dalaga nitong nagdaang Huwebes sa ilang members ng entertainment media at vloggers sa pamamagitan ng virtual presscon na in-organize ng Star POP para sa kanya.

Dito, ibinalita ni Kanishia ang tungkol sa formal launch ng debut single niyang “A Little Taste of Danger.”

Kahit na ngayon lang sumabak sa recording, hindi naman baguhan ang 19-anyos sa larangan ng pag-arte, pagkanta at pagsayaw.

Nagsimula siyang mag-perform noong bata pa siya at may limang taon ding experience sa school theater productions. Aminado rin si Kanishia na bata pa lang ay talagang gusto na rin niyang
mag-artista. Naaalala pa niya noong ginagaya niya ang mga madadramang eksena sa mga napapanood niyang TV series and movies.

“Nagustuhan ko pong kumanta mga 7 years old pa lang po ako, gusto ko po ‘yung nagpe-perform sa stage, nage-entertain ng people. Hindi lang ‘yung pinapakita ‘yung talent sa voice, pero acting din po,” kuwento ng maganda at talentadong young singer.

Ngayon, bibida na si Kanishia sa mainstream sa puno ng good vibes niyang single na “A Little Taste of Danger” tungkol sa pagkawala sa comfort zone at pagdiskubre sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng isang tao.

“Naka-relate po ako sa song kasi tuwing pinapakinggan ko, nakaka-imagine ako ng butterfly coming from a caterpillar. Pwede ka mag-bloom kapag nakakuha ka ng maraming experience,” kuwento ni Kanishia.

Ang singer-songwriter na si Marion Aunor ang nagsulat ng lyrics at musika ng “A Little Taste of Danger” habang sina Jack Rufo at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang nag-produce nito.

Bagong adisyon si Kanishia sa magagaling na talents sa ilalim ng Star POP, isang music label ng ABS-CBN para sa mga kabataan na pinangungunahan ni Rox Santos.

Pakinggan ang bagong kanta ni Kanishia na “A Little Taste of Danger” na available na ngayon sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star POP sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at Instagram (@starpopph).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending