Resbak ni Ai Ai sa basher: Sana pagtanda mo kasingganda kita at may pogi't mabait na asawa | Bandera

Resbak ni Ai Ai sa basher: Sana pagtanda mo kasingganda kita at may pogi’t mabait na asawa

Ervin Santiago |October 14,2020
facebook
share this

Resbak ni Ai Ai sa basher: Sana pagtanda mo kasingganda kita at may pogi’t mabait na asawa

Ervin Santiago - October 14, 2020 - 09:30 AM

SINOPLA ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas ang isang basher na nagsabing “super thunder” (read: tanda) na niya.

Hindi pinalampas ng 55-year-old na Kapuso comedienne-TV host ang pang-ookray sa kanya ng netizen.

Nag-comment kasi ito sa ipinost na litrato ni Ai Ai sa Instagram kung saan makikita siyang nagwo-workout kasama ang asawang si Gerald Sibayan.

Sabi ni Ai Ai sa caption, “Gym sa garahe. At sa slight init ng araw. The solar couple.” Ginamit pa ng komedyana ang hashtag na #labanparawalangcovid.

Puro inspiring at positive ang comments ng kanyang mga IG followers pero may isa pa ring nakalusot na hater na nagsabing, “Sobrang tanda mo na po (face with tear emoji).”

Ito naman ang resbak sa kanya ng “The Clash” season 3 judge, “Pag tanda mo sana kasing ganda kita at may pogi at mabait na asawa (thumbs up emoji).”

Kinampihan naman ng netizens ang komedyana at kinuyog pa ang epal na basher. Komento ng isang nagtanggol kay Ai Ai, walang kuwentang tao at bulok ang pagkatao ng nambastos sa kanya.

Ngunit payo ni Ai Ai sa kanya, huwag nang patulan ang basher, “Hayaan mo ba yan wala ng pag asa sa mundo patawarin na naten pandemya naman na wag na naten pansinin.”

Samantala, mukhang talagang kinakarir ni Ai Ai ang pagwo-workout para makasabay sa asawa niyang si Gerald na fit na fit na ngayon makalipas ang ilang buwang diet at halos araw-araw na pagtambay sa gym.

Nag-post uli si Ai Ai ng kanyang litrato na naka-flex ang biceps katabi ang bonggang picture ng isang babaeng bodybuilder na may edad na. Ito raw ang peg ni Ai Ai sa kanyang fitness journey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Ai Ai sa caption, “Kaya ako gym ng gym para pag umabot ako ng 70 na napakatagal pang panahon hahaha.

“Para akong si ate (at the age of 70 winner si ate ng isang muscle chever competition) .. yes i can do this baka pag 60 nako ganito nako d na aabot ng 70,” chika pa ng komedyana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending