Romnick wala na sa Probinsyano, umayaw sa lock-in taping | Bandera

Romnick wala na sa Probinsyano, umayaw sa lock-in taping

Reggee Bonoan |October 11,2020
facebook
share this

Romnick wala na sa Probinsyano, umayaw sa lock-in taping

Reggee Bonoan - October 11, 2020 - 03:43 PM

WALA na pala sa “FPJ’s Ang Probinsyano” si Romnick Sarmenta dahil ang balita, hindi niya kinaya ang lock-in taping sa Batangas.

Tsika ng aming source, “Hirap siya sa mahabang lock-in kasi kasagsagan ng COVID noon.

Naisip namin na kaya rin siguro umayaw si Romnick sa lock-in taping ay dahil buntis na ang kasintahan niyang si Barbara Ruaro ng mga panahong iyon?

Bukod dito ay hindi rin kaya ng aktor na matagal niyang hindi makikita ang mga anak niya sa dating asawang si Harlene Bautista na sina Seki, Bo, Merel, Yuwela at Abija.

Linggu-linggo kasing dinadalaw ni Romnick ang mga bagets lalo’t nagsisimula na ang online classes nila. Hindi pa rin napapabayaan ng aktor ang mga anak kahit naghiwalay na sila ni Harlene.

Samantala, nanghinayang kami nang ibalita sa amin ng aming source na wala na ang aktor sa “Probinsyano” ni Coco Martin.

Bukod kasi sa maganda at challenging ang role niya sa serye ay talagang mahusay talaga siya bilang kontrabida ni Coco na gumaganap na Cardo Dalisay.

Sayang din at hindi pa siya umabot ng isang taon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” noong Set. 6.

Sa kasalukuyan ay naghihintay ng bagong offer si Romnick mula sa ABS-CBN na balik-free TV na nga ang ilang programa via A2Z channel.

Pero hindi naman binanggit ng aming source kung tatanggap din ba si Romnick ng offer mula sa TV5 o GMA 7.

Samantala, tulad ng ibang mga kaibigan nina Romnick at Barbara ay excited din sila sa paglabas ng panganay nila sa Pebrero na tinawag nilang “Little Bean.”

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nina Romnick at Harlene ang resulta ng kanilang annulment case.

Tatlong beses ikinasal ang dalawa noong 1999 through civil ceremony — 2000 ang kanilang church wedding at nag-renew sila ng kanilang vows noong 2002 sa Las Vegas, Nevada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maligaya na ngayon si Romnick kasama ang partner niyang aktres, mukhang happy na rin ngayon si Harlene sa bago niyang karelasyon, ang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending