Pagbabalik ng sesyon ng Kamara iginiit
Sumama na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa panawagan ng mga kapwa niya kongresista at ng mga senador para sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara matapos itong sinuspunde ng mas maaga noong Oktubre 6 hanggang Nobyembre 16.
Ayon kay Velasco, ipinahamak ng napaagang suspension ng plenary debate noong Martes ang ilan sa mga mahahalagang panukalang batas, partikular na ang panukalang pambasang pondo para sa susunod na taon.
Hindi kasi aniya nasunod ang kabuuan ng budget process nang aprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang P4.5-Trillion proposed 2021 national budget noong Martes.
Sinabi ng kongresista na panahon na ngayon para isantabi ang pagkakaiba sa politika lalo pa at nahaharap pa rin sa pandemya ang Pilipinas.
Ang issue sa budget anya ay mas malaking laban kaysa speakership post sa pagitan nila ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ang pagho-hostage aniya sa budget at pag-blackmail sa ehekutibo para lamang sa ambisyon ng iisang tao ay disservice sa sambayanang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.