Tony gusto lang maging barbero nang umuwi sa Pinas; pero naubos ang pera sa arcade kaya…
Wala talaga sa plano niya ang pumasok sa showbiz, pero talagang darating at darating daw ang oportunidad at swerte kung para sa iyo ito.
Natutong maggupit ng buhok si Tony nu’ng naninirahan pa sila sa Canada hanggang sa maisipan niyang hanapin ang swerte niya rito sa Pilipinas.
Sa nakaraang virtual presscon para sa bago niyang pelikula, ang horror movie na “U-Turn” under Star Cinema kasama sina Kim Chiu at JM de Guzman, natanong kung ano ang pinakamatinding “u-turn” ang ginawa nila sa buhay.
“The biggest U-turn ko is ‘yung pagbabalik ko dito sa Pinas kasi nong twenty ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kasi nagtatrabaho lang ako.
“Minimum wage lang ako. Nag-aaral akong maging barbero tapos naisip ko lang, ‘ito na lang ba ‘yung magiging buhay ko?’” pag-amin ng hunk actor.
Nang magtungo siya rito, wala talagang katiyakan ang magiging buhay niya, talagang sugal kung sugal ang ginawa niya.
“Wala naman akong pera pero pumunta pa rin ako kasi ito lang naman ‘yun ano.
“This is my home kahit hindi ko alam ang gagawin ko, kahit hindi ko alam kung ano ang meron para sa akin dito, pumunta pa rin ako,” pahayag pa ni Tony.
Kuwento pa ng binata, “Nu’ng pumunta ako sa Pinas ay wala akong balak na mag-artista. Ang gusto ko lang gawin, gusto kong maggupit ng mga tao dito kasi akala ko nga ay ‘yun lang ang gagawin kong trabaho.”
Hanggang sa maubos daw ang dala niyang pera pauwi ng Pilipinas dahil sa paglalaro ng video games sa isang arcade sa Glorietta.
“Kaya ako nag-artista kasi noong naubos na ‘yung pera ko, pumunta ako sa sa mga VTR-VTR,” natatawang chika pa ni Tony.
Samantala, mapapanood na simula sa Oct. 30 ang pinakabagong horror movie ng Star Cinema na “U-Turn”. Available na ito for streaming via KTX.ph and iWant TFC o sa pay-per-view ng Cignal at Sky Cable sa halagang P150.00.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang mystery-horror na ito ay isang adaptation ng 2016 Indian movie na tungkol sa baguhang journalist at pulis na nag-iimbestiga sa mga insidente ng pagkamatay sa isang flyover.
Ito ay sa direksyon ni Derick Cabrido na siya ring nasa likod ng 2019 horror film na “Clarita” na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.