Tony sa paglipat ng TV network: Pinag-pray ko talaga, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin
KUNG maraming Kapamilya stars ang tumanggap ng projects sa ibang TV network dahil sarado pa ang ABS-CBN ay marami pa rin naman ang nag-stay.
Para kasi sa kanila, isang pagtanaw ng utang na loob ang desisyon nilang ito — at isa na nga riyan si Tony Labrusca.
Sa ABS-CBN nagsimula si Tony bilang contestant ng “Pinoy Boyband Superstar” na bagama’t hindi siya ang nanalo, siya naman ang talagang sumikat matapos mag-concentrate sa pag-arte.
Inamin sa amin noon ni Tony na noong pumunta sila ng nanay niyang si Angel Jones sa Pilipinas ay walang-wala sila, nakatira sila sa isang maliit na kuwarto at talagang naghihigpit ng sinturon dahil nagsisimula palang ang binata.
May mga project na siya noon pero hindi sapat para makakuha ng mas malaking lugar para sa kanilang mag-ina.
Hanggang sa napansin na siya nang husto ng ABS-CBN sa iWant digital movie na “Glorious” at dito na nagkasunud-sunod ang projects ni Tony. Kaya naman tinatanaw ito ng aktor.
“Ako po pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network and sa ibang agency.
“Pinag-pray ko ‘yun, sabi ko, ‘Lord, please help me to decide kasi I honestly don’t know what to do and what’s meant to be is what meant to be na lang. So, I ended up working and meant to stay dito (ABS-CBN).
“I’d like to think na si Lord lang talaga ang gumawa ng paraan para mag-stay pa rin ako kasi ako rin, hindi ko alam kung gagawin ko at tamang desisyon,” pagtatapat ni Tony.
Sa ngayon ay nagte-taping si Tony para sa seryeng “Bagong Umaga” at naka-lock in sila sa isang hotel. Sa Okt. 30 ay mapapanood naman ang pelikula nila nina Kim Chiu at JM de Guzman na “U Turn” mula sa Star Cinema at idinirek ni Derrick Cabrido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.