Rocco mas malaki pa ang CR sa bahay kesa sa bedroom; madiskarte sa pagtitipid | Bandera

Rocco mas malaki pa ang CR sa bahay kesa sa bedroom; madiskarte sa pagtitipid

Ervin Santiago - October 08, 2020 - 01:36 PM

IPINALIWANAG ng Kapuso actor na si Rocco Nacino kung bakit mas malaki pa ang comfort room niya kesa sa kanyang bedroom.

Ibinalita ng “Descendants of the Sun” star na naghahanda na siyang lumipat sa ipinatayong dream house sa Antipolo anytime soon.

Nasa finishing touches stage na raw ito at ilang furniture na lang ang kulang kaya pwedeng-pwede na niya itong tirhan anumang oras.

Aminado ang binata na ilang taon din niyang pinag-ipununa ang kanyang dream house mula sa ilang proyektong ginawa niya sa GMA at mga pelikula.

Kaya naman sa isang panayam, nagbahagi si Rocco ng ilang tipid tips at financial diskarte para sa mga kabataan na naghahanda na para sa kanilang future.

“Maraming nag-fail, maraming nagtagumpay, pero ‘yung journey doon, ‘yun ‘yung napakasarap na feeling kapag nasabi mong nakapag-ipon ako.

“’Yung itinuturo ko sa mga kabataan ‘wag matakot o maging kampante sa pag-ipon.

“Kung kaya n’yo talaga, lakihan n’yo ang pondo n’yo sa pag-iipon kasi hindi n’yo talaga alam kung kalian n’yo kailangan. Tulad ng nangyayari ngayon sa pandemic,” ang pahayag ng aktor sa interview ng GMA.

Samantala, sa pagpapatayo ng kanyang bonggang-bonggang bahay, inuna pala ni Rocco ang pag-aayos sa kanyang kusina. Mahilig kasi siyang mag-invite ng mga kaanak at kaibigan para sa kanilang bonding moments.

Para naman sa kanyang living room, “Dito ang kuwentuhan kaya ginawa ko siyang very homey like this.”

“In the future, kapag may anak na, isang tawag lang maririnig ako. Hindi siya sobrang layo na kwarto and para ma-maximize rin ‘yung hangin dito,” pahayag pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy pa niya, “Dahil Antipolo siya, marami siyang window para hindi na ako magbayad ng aircon. Marami rin siyang window para ma-enjoy ko ‘yung view na mayroon ako.

“’Yung CR ko kasi sa totoo lang, malaki pa ‘yung masters shower and CR kaysa sa bedroom. ‘Yun ‘yung magiging personal space ko,” chika pa ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending