Aiko, Wendell ginawang bahay ang kwarto sa taping; kanya-kanyang gimik para labanan ang homesick
KAKAIBA at super challenging ang naging experience nina Wendell Ramos at Aiko Melendez sa 21-day lock-in taping para sa GMA Afternoon Prime series na “Prima Donnas.”
Ayon sa dalawang Kapuso stars, talagang sakripisyo at dedikasyon ang kailangan para maipagpatuloy ang pagtatrabaho sa ilalim ng new normal.
Siyempre, istriktong ipinatutupad araw-araw sa set nila ang lahat ng health at safety protocols para masigurong walang tatamaan ng COVID-19 sa lahat ng involved sa production.
Kuwento nga nina Aiko at Wendell ginawa na nilang bahay ang kani-kanilang kwarto sa taping.
“Ako kasi, what I did to my room, tinransform ko siya into my second home. Nagdala ako ng lutuan ko, lahat talaga,” pahayag ng aktres sa panayam ng GMA.
“Dinala ko lahat nu’ng mga beddings na usually ginagamit ko sa bahay para ‘yung amoy ng mga anak ko nandoon pa rin, ‘yung amoy ni VG nandu’n pa rin,” pahayag ng Kapuso actress na ang tinutukoy ay ang kanyang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
At tulad ni Aiko, nagdala rin si Wendell ng bed sheet at mga unan. Meron siyang bitbit na stuff toy na kamukha ng kanyang asawang si Kukai Guevara.
“May dala akong stuff na kamukha ng misis ko. Then ‘yung mga bedsheet, ‘yung mga pillow ko. May dala rin akong rice cooker at bigas,” kuwento ng aktor.
Samantala, excited na ang buong production ng “Prima Donnas” sa pagpapalabas ng mga bagong episodes ng serye.
Chika ni Aiko, “Kailangan nilang abangan, matutuloy ba na maikasal nina si Jaime (Wendell) kay Kendra (Aiko)? Ano bang mangyayari sa journey nina Kendra, Jaime, at Lilian (Katrina Halili)?
“There’s so much na mangyayari talaga with the show. These six months na wala kami sa ere, we’re coming up with a big bang,” promise ng aktres.
Sa ngayon, napapanood pa ang catch-up episodes ng “Prima Donnas” sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Ika-6 na Utos.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.