Kakai pinuri si Maymay: Hindi siya lalaban, hindi siya tatalak kasi mabait na bata | Bandera

Kakai pinuri si Maymay: Hindi siya lalaban, hindi siya tatalak kasi mabait na bata

Ervin Santiago |October 08,2020
facebook
share this

Kakai pinuri si Maymay: Hindi siya lalaban, hindi siya tatalak kasi mabait na bata

Ervin Santiago - October 08, 2020 - 09:27 AM

MAHAL na mahal ni Kakai Bautista ang Kapamilya youngstar na si Maymay Entrata.

Younger sister na ang turing niya sa dalaga kaya naman naging emosyonal ang komedyana ng hingan siya ng mensahe para kay Maymay.

Kuwento ni Kakai sa isang episode ng “Magandang Buhay”, naging super close sila ng PBB Lucky Season 7 big winner nu’ng gawin nila ang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” last year.

Nagkasama sila nang matagal sa Hong Kong kung saan kinunan ang halos kabuuan ng pelikula na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

“Love ko talaga ‘yan si Maymay kahit hindi pa kami nagho-Hong Kong. Alam mo hindi ko siya napapanood sa ‘PBB.’

“Pero sa unang pagkakataon na nakasama ko siya, sabi ko, ‘Itong batang ito ay mabait,'” pahayag ni Kakai.

Bilib din siya sa ibinibigay na pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga fans.

“Hindi ko nakitaan si Maymay na lumilipad na siya nang mataas at hindi ka na niya papansinin.

“Kasi nakita ko siya kung paano siya makipag-usap, makipag-deal sa tao, paano niya i-handle ang basher.

“Kasi mabait siya, hindi siya lalaban, hindi siya tatalak. Kaya siguro ibinigay kami ni Lord sa isa’t isa kasi may isang maldita na magtatanggol sa kanya at mayroon ding kalmado na magtatanggol sa akin.

“Happy talaga ako kasi love ko talaga ang bata na ‘yan, walang showbiz, kasi mabait siya,” papuri pa ng komedyana kay Maymay.

Nagpasalamat naman ang ka-loveteam ni Edward Barber kay Kakai at sa iba pa niyang “ate” sa showbiz na palaging nandiyan para sa kanya.

“Sila ang nagre-remind sa iyo to stay humble, na hindi magpadala, na kapag may blessing ka sa buhay mo ay huwag masyadong ma-overwhelm, pero gamitin ang blessing na yon para i-share sa mas nangangailangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yan si Ate Kakai matulungin din ‘yan kasi, napakabait din niyan. Inspirasyon ko sina Ate Maja (Salvador), si Ate Kakai kasi talagang marunong silang makisama at pantay-pantay lang ang pakikitungo nila sa kapwa, walang pili.

“Kaya maganda ang naidudulot nila sa akin lalo na sa industriya ng showbiz,” lahad pa ni Maymay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending