Roque, natuwa sa mga Facebook meme sa kanyang pagbisita sa Boracay | Bandera

Roque, natuwa sa mga Facebook meme sa kanyang pagbisita sa Boracay

- October 07, 2020 - 04:31 PM

Sa halip na mapikon, natutuwa si Presidential Spokesman Harry Roque sa mga meme sa Facebook matapos ang pagbisita sa isla ng Boracay kamakailan.

Kumakalat kasi ngayon sa Facebook ang litrato ni Roque sa Boracay na in-edit at nilagyan sa larawan ng Japanese sports manga series na Slam Dunk, UAAP cheering squad, Avengers pati na ang sikat na basketball player na si LeBron James.

Ayon kay Roque, natatawa na lamang siya sa mga meme.

“Hindi po. Sa panahon ng pandemya eh natutuwa ako na kahit papano meron tayong kontribusyon para maaliw ang ating mga kababayan,” pahayag ni Roque.

Pinakapaborito ni Roque ang meme kasama ang Avengers.

“Mas maganda ‘yung kasama ko ang mga Avengers. Kamukha din ako ng mga Avengers. Kasing katawan ng mga Avengers,” pahayag ni Roque.

Kailangan aniya ngayon ng kaunting aliw habang may pandemya.

“Kailangan po talaga natin na magkaroon ng konting aliw dahil alam niyo naman ang mensahe ng Presidente, bagamat nandiyan ang Covid-19 kaya po natin mabuhay inspite and despite, pag-ingatan lang ang ating buhay para tayo ay makapaghanapbuhay,” pahayag ni Roque. ( wakas )

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending