Mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 273,079 na
Mahigit 3,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (October 4), umabot na sa 322,497 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 43,642 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,190 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 1.7 porsyento ang severe habang 3.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 100 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,776 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 18,065 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 273,079 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.