Sandara Park lumafang, namalengke sa Pinoy market sa Korea | Bandera

Sandara Park lumafang, namalengke sa Pinoy market sa Korea

Ervin Santiago - October 04, 2020 - 02:29 PM

PINAY na Pinay pa rin sa puso ang Korean singer-actress na si Sandara Park.

Sa ilang taong pamamalagi ni Sandara sa Pilipinas kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career, talagang naisapuso na niya ang pagiging Filipino.

Isang patunay diyan ang pagpunta ni Dara sa isang Pinoy marketplace sa South Korea para bumili ng mga paborito niyang Filipino food.

Sa latest YouTube vlog ng Korean star at dating member ng 2NE1, ipinakita niya ang ginawang paglilibot sa nasabing Pinoy store kung saan mabibili ang mga classic Filipino dishes.

Ilan sa mga nabili ni Dara ay ang favorite niyang bottled sarsa, canned corned beef at isang pack ng tocino na aniya’y miss na miss na niyang kainin.

Makikita rin sa kanyang vlog ang ilang Pinay na nasa lugar, kabilang na ang mga nagbabantay sa mga tindahan doon at nagtatanungan kung si Sandara nga ba ang naka-mask na “lady in pink.”

Nang marinig ni Sandara na siya na ang pinag-uusapan ng mga Pinoy na naroon, nagpakilala na siya sa mga ito at game na game na nakipag-selfie sa fans.

Kumain din doon ang singer-actress at isa sa mga nilafang niya nang bongga ay ang spaghetting Pinoy na masarsa.

Very obvious na na-miss talaga ni Dara ang pagkaing Pinoy dahil talagang nilantakan niya ang mga biniling street food doon at wala siyang pakialam kung may makakilala man sa kanya.

Last November, 2019 bumalik ng Pilipinas Sandara para mag-celebrate ng kanyang 34th birthday.

Nagpunta siya sa Bohol at doon nagpa-picture nang nagpa-picture. Isa sa mga binisita niya roon ay ang Chocolate Hills.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending