Higit 231,000 OFWs, nakauwi na sa mga lalawigan — DOTr
Umabot na sa 231,009 na overseas Filipino workers (OFWs) ang naasistihan sa ilalim ng Hatid-Tulong Program.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naitala ang nasabing bilang ng mga napauwing OFW hanggang October 1.
Sa 87,708 OFWs, 71,338 ay naihatid sa pamamagitan ng land transport at 111,497 naman ang air transport simula May 25.
Samantala, 48,174 OFWs pa rin ang nakauwi naman via sea transport mula April 27 hanggang October 1.
Sa pagitan ng nasabing petsa, walang naging biyahe sa June 1, 3, 8, 12, 15, 20, 24 at 28, at mula August 10 hanggang 13.
Pinangunahan ng DOTr ang naturang programa katuwang ang Office of the President, National Task Force Covid-19, Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.