Lani lumebel kina Lea at Pacquiao; John Vic pangarap maging superhero | Bandera

Lani lumebel kina Lea at Pacquiao; John Vic pangarap maging superhero

Ervin Santiago |October 02,2020
facebook
share this

Lani lumebel kina Lea at Pacquiao; John Vic pangarap maging superhero

Ervin Santiago - October 02, 2020 - 10:57 AM

NAGULAT ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha nang malamang kasama siya sa 100 Most Influential Honorees ng The Outstanding Filipinos in America (TOFA) Awards.
Hanggang ngayon ay hashtag #shookt pa rin ang feeling ng award-winning singer na isa siya sa mga napili ng TOFA para bigyang parangal kasama ang iba pang sikat na celebrities.

“Sa totoo lang hindi ko alam bakit ako sinali doon, eh. Sigurado ba kayo?” ang natatawang pahayag ni Lani sa panayam ng ilang members ng entertainment media.

Patuloy pa niyang chika, “Biro mo, sino ba naman ang kasabayan doon, as in malalaking tao. Mga shaker, mover, mga influential individualt talaga, as in,” kuwento pa niya.

Sa isang report ng GMA, ang ilan pa sa mga kilalang Pinoy na kasama sa listahan ng TOFA ay sina Lea Salonga at Sen. Manny Pacquiao.

* * *

Mas nakilala ng kanyang fans ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si John Vic de Guzman sa kanyang “In The Limelight” episode recently.

Looking forward si John Vic na mas hasain pa ang kanyang acting skills sa iba’t ibang larangan. Ngunit, kung siya raw ang tatanungin, dream role niyang gumanap bilang isang superhero.

Aniya, “I always wanted to try action, siyempre may kilig, drama, and at the same time, may superpowers. Medyo interesting and exciting ‘pag may superpowers kayo.”

Kuwento pa ng captain ng Philippine Men’s Volleyball Team, looking forward na rin siyang makatrabaho ang mga bigating Kapuso stars tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Dennis Trillo at Alden Richards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending