Jodi, Raymart lantaran na ang relasyon; nakunan habang magkayakap | Bandera

Jodi, Raymart lantaran na ang relasyon; nakunan habang magkayakap

Ervin Santiago |October 01,2020
facebook
share this

Jodi, Raymart lantaran na ang relasyon; nakunan habang magkayakap

Ervin Santiago - October 01, 2020 - 09:13 AM

BUMUHOS ang pagbati kina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago matapos kumalat ang balita tungkol sa kanilang relasyon.

Walang kumontra o tumutol nang mapabalita na nagkakakabutihan na ang dalawa, halos lahat ng kanilang mga tagasuporta ay botong-boto sa kanila.

Kamakailan ay “spotted together” sina Jodi at Raymart habang magkasalo sa isang intimate dinner na nakunan “palihim” ng isang netizen sa isang lugar sa Ayala, Alabang.

Balitang nagsimula ang espesyal na relasyon ng dalawa noong April pa pero matagal na raw nanliligaw ang dating action star sa Kapamilya actress.

Sa Instagram post naman ng talent manager na si Noel Ferrer, makikita sina Raymart at Jodi na magkayakap na kuha rin sa lugar kung saan din sila nakunan habang nagdi-dinner.

Ang caption ni Noel sa sweet at hugging photo ng “celebrity couple”,

“WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!”

Sa pagkakaalam namin, pareho namang walang sabit sina Raymart at Jodi kaya walang issue kung sakaling totoo ngang may namamagitan na sa kanila.

Matagal nang hiwalay si Raymart sa kanyang estranged wife na si Claudine Barretto habang ilang taon na ring single si Jodi matapos silang maghiwalay ni Jolo Revilla.

Matagal nang napawalang-bisa ang kasal ni Jodi kay Pampi Lacson habang hindi pa lumalabas ang desisyon ng korte hinggil sa annulment case nina Raymart at Claudine.

In fairness, maraming bumati kina Raymart at Jodi kasabay ng kanilang wish na sana’y natagpuan na nga nila sa piling ng isa’t isa ang kanilang “forever.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement ang rumored couple tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Samantala, may hugot naman si Jodi tungkol sa love na kanyang ipinost sa Instagram. Isang litrato ng kamay na nasa beach ang ibinahagi niya sa kanyang followers.

Ang caption ni Jodi, “Loving is a choice. It’s not all about enjoyment but takes sacrifice and maturity Choosing to love someone means you understand that they will have faults.

“There’ll be tough times for sure but if your love is true and strong you will conquer it all.

“Choosing to love someone is not an easy task. It involves assessing and seeing what changes you need to make to help each other grow.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“When you love, you journey with that person, it will require tons of patience and understanding and some adjustments, it may test you but in the end you will find it is worth everything.

“Love is the most important thing we can share with someone,” aniya pa na may hashtag na #munimunimode.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending