Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 311,694 na | Bandera

Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nasa 311,694 na

- September 30, 2020 - 05:11 PM

Hindi muli bababa sa 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 30), umabot na sa 311,694 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 52,702 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,426 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.0 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 58 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,504 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 585 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 253,488 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas. ( wakas )

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending