Janella tumaba ang mukha at batok: Ganyan din ako pag buntis... | Bandera

Janella tumaba ang mukha at batok: Ganyan din ako pag buntis…

Reggee Bonoan |September 30,2020
facebook
share this

Janella tumaba ang mukha at batok: Ganyan din ako pag buntis…

Reggee Bonoan - September 30, 2020 - 11:30 AM

TRENDING ngayon ang video nina Janella Salvador at Markus Paterson sa Kumu, ang bagong livestream platform na pinagkakaabalahan ng maraming Pinoy kung saan may makukuha kang premyo sa live game show.

Bakit trending? Marami kasi ang nakapansin sa matabang pisngi ng aktres pati ang kanyang batok na karaniwang nangyayari sa isang buntis.

Ayon kay @kurtchu02, “Ang taba ng face nya buntis talaga s’ya ganyan ako pag buntis tumataba ang face.”

Sabi naman ni @luji30, “Pretty preggy.”

Mula kay @hotmeninthephilippines, “Look at her shoulder and batok, confirmed.”

Base sa nahagip ng orasan sa video ay 1:20 p.m. ang live ng dalawa na magkatabi. Ngumunguya pa ang aktor at nang bumaling sa aktres ang bumati ito ng “hello.”

“I took a shower (sabay punas ng noo), ayun,” say ni Janella. Humilig naman sa balikat niya si Markus.

“Ako po si Jay-jay,” natawang saad ng dalaga.

Hirit naman ni Markus, “May bago na siyang nickname, Jay-jay.”

“Sino nagbigay ng nickname?” tanong nito sa kasintahan.

“Nanay ko, embarrassing ‘no?” sagot naman ng binata. “So, guys kapag nakita n’yo si Janella in public, kailangan n’yong sumigaw ng Jay-Jay.”

“Maraming salamat sa pag-support ng stream ko, that’s all,” sabi pa ni Janella.

Sabay tanong kung ano ang kinakain ni Markus, “Try it, it’s melted cheese I made it.’’

“Okay, I’ll finish it, bye!” sabi ng aktres, sabay kain na nasarapan.

Ikinuwento ni Markus na nagkamali siya ng luto dahil nag-crash ang itlog pero sabi naman ng girlfriend niya ay masarap pa rin.

‘”I’m a chef, I should start making cooking with you, right? Okay I’m gonna make that,” say ng aktor.

At bago matapos ang mahigit dalawang minutong livestream ng dalawa ay nagpasalamat si Markus sa 55,000 diamonds.

Samantala, palaisipan sa amin ang huling sinabi ng aktor na, “Will see you guys maybe in 7 weeks.”

Kung ibabase ang napabalitang ngayong Oktubre manganganak umano si Janella ay baka in 7 weeks ay isasapubliko na nina Markus kung ano ang totoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But since kaka-post lang ng livestream nila nitong Martes ng hapon ay posibleng Nobyembre pa ang due date ng aktres kung ibabase sa sinabing 7 weeks ni Markus.

Anyway, nananatiling bukas ang Bandera kung nais nang magsalita nina Markus at Janella tungkol sa chikang magiging mommy at daddy na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending