Netizen kay Jinkee: Hanggang sa halaman pinagmukha mo pa rin kaming poor!? | Bandera

Netizen kay Jinkee: Hanggang sa halaman pinagmukha mo pa rin kaming poor!?

Ervin Santiago |September 30,2020
facebook
share this

Netizen kay Jinkee: Hanggang sa halaman pinagmukha mo pa rin kaming poor!?

Ervin Santiago - September 30, 2020 - 09:30 AM

“MAY nanalo na!” Ito ang nagkakaisang paandar ng mga netizens nang makita ang mga mamahaling halaman at bulaklak ni Jinkee Pacquiao sa kanilang mansyon.

Kung may pa-contest nga raw para sa pinakabonggang “plantita” ngayong panahon ng pandemya, tiyak daw na winner na ang misis ni Sen. Manny Pacquiao.

E, kasi nga, kung makikita n’yo ang napakalaking bahay nila, punumpuno ito ng magaganda at mamahaling bulaklak, lalo na ang kanilang garden na tiyak milyones na ang halaga.

Ngunit ang talagang ikinainggit ng mga followers niya sa Instagram ay ang malalaking “two-tone plant” na makikita sa background ng kanyang latest IG post.

Ang caption ni Jinkee sa kanyang IG photo, “When you woke up this morning, God gave you a gift called ‘today.’ Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by.”

Mabilis na nag-viral sa Facebook ang nasabing post ng misis ni Pacman dahil nga sa kanyang halaman na ayon sa ilang “plantitos” at “plantitas” ay ang “variegated alocasia elephant ear.”

At dahil nga sa pagkakaroon nito, ang tanging nasabi ng ilang netizens ay, “May nanalo na! #SanaAll!”

Hugot ng isa niyang follower, “Mahal na nga ang halaman, variegated pa! Edi mas mahal na sya!  Hahaha.”

Comment naman ng isa, “Hanggang sa halaman ba naman Jinky pinamukha mong poor kami?! Inaano ka ba ng makahiya namin?”

“‘Yung damo pa lang diyan sigurado mas mahal pa sa lahat ng bulaklak ko,” ang komento ng isa pang netizen.

Sabi naman ng isang inggit na inggit sa mga halaman ni Jinkee, “O, e di ikaw na! Ikaw na lahat! Nasa yo na ang lahat! Ang lahat lahat! Wala nang tatalo sa yo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending