Hugot ni Vice kay Kim: Salamat at mas pinili mo pa rin kaming makasama | Bandera

Hugot ni Vice kay Kim: Salamat at mas pinili mo pa rin kaming makasama

Ervin Santiago - September 29, 2020 - 09:26 AM

SIGURADONG super happy ngayon ang fans ni Kim Chiu dahil araw-araw pa rin nilang mapapanood ang aktres pagkatapos magpaalam ang serye niyang “Love Thy Woman”.

Kahapon, pormal nang ipinakilala ang Kapamilya actress bilang regular host ng noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime”.

Mainit na winelkam ang dalaga ng mga hosts ng programa sa unang araw niya kahapon kabilang na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang at Jhong Hilario.

“Opisyal na siyang magiging host niyo araw-araw. Let’s welcome Kim Chiu. Congratulations and thank you so much for officially being a kapatid dito sa ‘Showtime,'” ang pahayag ni Vice.

“Thank you so much. Ayaw ko na magsalita baka maiyak ako,” ang emosyonal namang tugon ni Kim.

Hirit naman ni Vice, “Thank you because you choose to stay with us and you choose to be with us. Salamat, maraming salamat.

Reply sa kanya ni Kim, “Nakaka-fragile ‘yung salitang thank you ‘Ma. And ‘yung salitang ‘stay.’ Thank you na pinayagan niyo akong tumuntong dito at magkakasama tayo rito.”

“Masaya ako, Kapamilya forever tayo,” dugtong pa ng aktres.

Mensahe pa sa kanya ng Phenomenal Box-office Star, “Noon pa naman Kim, lagi kang welcome rito. Binabaybay mo nga lang ito pag-bored ka sa bahay, co-host ka rito.

“At saka ‘yan ang sinasabi namin sa inyo na kahit anong mangyari, gagawa at gagawa kami ng paraan para makapaghatid sa inyo ng bagong ganap sa ‘Showtime,’ bagong sahog, bagong lahok.

“Basta kahit paano ay mayroon kaming bagong pasabog sa inyo at isa diyan sa malalaking pasabog na ‘yan ay si Kim Chiu. We’re very happy na officially ay parte ka na ng pamilyang ito. Ang saya namin dahil lumabas ka para sa amin,” sey pa ng TV host-comedian.

Sabi naman ni Vhong, “Kim, salamat sa pagtanggap mo na maging parte ng ‘It’s Showtime.’ Alam namin na lagi mong sinasabi na gusto mong maging co-host dito kaya lang nabibigyan ka ng soap opera na hindi mo kayang pagsabayin, pero now nandito ka na welcome na welcome ka rito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil nga sa pagiging regular host na ng dalaga sa Kapamilya noontime show, kanya-kanyang post ang kanyang fans sa social media gamit ang hashtag ba #ShowtimeCHINITAnghali. Naging isa pa ito sa top trending topic sa Twitter Philippines.

Napapanood pa rin ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending