Kim natatakot pa rin pag dumadaan sa kalye kung saan muntik na siyang mamatay
INAMIN ng Kapamilya actress na si Kim Chiu na nakararamdam pa rin siya ng takot kapag nasa biyahe at biglang maaalala ang pananambang sa kanya.
Ilang buwan na rin ang nakararaan mula nang pagbabarilin ang kanyang van sa kanto ng Katipunan at CP Garcia Avenu sa Diliman, Quezon City noong nakaraang Marso.
Pero ayon kay Kim, iba pa rin ang nararamdaman niya kapag dumadaan sa lugar kung saan nangyari ang insidente na muntik na niyang ikamatay.
Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang dalaga ng litrato na kuha mula sa loob ng kanyang sasakyan na may mensaheng, “When my car always stops in this certain area, it gives me that feeling that I don’t understand.”
Habang pinag-iisipan daw niya kung bakit ganu’n ang kanyang nararamdaman, ito ang kanyang ibinahagi sa madlang pipol, “You will never get over a particular thing if you keep on avoiding it.”
“All you have to do is to face it and give a different perspective. Though it takes time and courage,” aniya pa.
Kung matatandaan, sinabi ni Kim na isang kaso ng “mistaken identity” ang nasabing shooting incident dahil sigurado siya na wala naman siyang kagalit o inaagrabyadong tao para pagtangkaan ang kanyang buhay.
“Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa.
“Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us,” ang ipinost ng girlfriend ni Xian Lim Instagram matapos ang insidente.
Sinagot din niya ang mga paratang na scripted ang naganap na ambush, “Hindi ko ilalagay ang buhay ng kahit sino para lang sa publicity, buhay ‘yun ng mga taong nag-aalaga sa akin ng ilang taon. Ilalagay ko ba ‘yung buhay nila sa delikado?
“Kung tutuusin tinuturing ko na silang pamilya. Isipin mo na lang ‘yung magulang mo, ‘yung asawa mo, nakasakay sa kotse, gagawin mo ba ‘yun?” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.