Kiray 6 months walang trabaho pero: Mas minahal ko ang family ko, mas na-appreciate ko sila | Bandera

Kiray 6 months walang trabaho pero: Mas minahal ko ang family ko, mas na-appreciate ko sila

Ervin Santiago - September 24, 2020 - 09:24 AM

 

 

SA loob ng mahigit anim na buwang walang regular na trabaho, hindi masyadong nakaramdam ng panghihinayang si Kiray Celis.

Aminado ang komedyana na mahirap talaga ang buhay ngayon dahil sa COVID-19 pandemic kung saan maraming nawalan ng kabuhayan at pagkakakitaan.

Ayon sa Kapuso comedienne, marami rin siyang natutunan sa buhay habang naka-lockdown sa loob ng halos kalahating taon kasama ang pamilya.

Sa kabila raw ng health crisis na tumama sa buong mundo, napakarami ring positibo at magagandang bagay na nangyari sa buhay ng bawat pamilyang Filipino.

Isa na nga rito ang napatunayan niya — na pinakamahalaga pa rin talaga sa lahat ng oras ang pamilya.

“Okay pa naman ang buhay namin. Ngayon, super busy ako sa pagba-bonding ko sa family ko,” ang simulang pahayag ni Kiray sa panayam ng GMA 7.

Dagdag pa ng komedyana, “Kasi bago nu’ng COVID, o bago mag-pandemic, mas pipiliin ko lumabas, kumain sa labas, manood ng sine with friends.

“Nakausap ko nga ‘yung madreng na nagpapaaral sa akin last time, super tanda na niya.

“Pinag-uusapan namin ‘yung pandemic. Sabi niya, ‘May maganda at masamang naidulot ‘tong pandemic na ‘to.’

“Kasi parang pinagbuklod niya at mas lalo niyang pinagkaisa, parang mas minahal ko ‘yung family ko, mas na-appreciate ko, mas nakilala ko,” pahayag pa ni Kiray.

Ayon pa sa dalaga, ibang klaseng kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon, “Ang saya, ang sarap sa feeling. Ang sarap din pala ng ganito na sila lang ‘yung kasama ko, sila lang ‘yung nakikita ko. Naka-focus ako sa pamangkin ko.”

At kahit nga wala pa siyang trabaho ngayon hindi siya masyadong nag-aalala dahil kasama niya ang kanyang pamilya.

“Kahit wala pang work, kahit medyo mahirap ang buhay ngayon, hindi siya issue para mahalin mo sila nang buong-buo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Minsan kasi, ‘di ba, iniisip natin parang, ‘Baka mahal lang ako nito o favorite ako nito kasi may kailangan.’

“’Di ba, kahit sa pamilya natin iniisip natin ‘yun? Pero ngayon, wala, e. Pure talaga. Talagang solid, ang sarap sa pakiramdam,” lahad ni Kiray.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending