Animated film na ‘Hayop Ka’ balak iboykot ng mga galit kay Robin, pero…
MATINDI talaga ang galit ng ilang Pinoy sa action star na si Robin Padilla.
Seryoso kasi ang mga ito na iboykot ang animated Netflix film na “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” kung saan ginamit ang boses ni Binoe para sa isang karakter sa pelikula.
Kasama rin sa mga nagboses sa iba pang karakter sina Angelica Panganiban, Sam Milby, Empoy Marquez, Arci Muñoz at Eugene Domingo mula sa Rocketsheep Studios at Spring Films.
Anila, hindi nila susuportahan ang nasabing proyekto dahil kay Robin na isang kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipararamdam daw nila sa asawa ni Mariel Rodriguez ang kanilang galit sa pamamagitan ng pagboykot sa lahat ng mga projects na gagawin nito dahil na rin umano sa mga sablay na pananaw nito sa mga maiinit na isyu sa bansa.
Kasabay nito, nanawagan naman ang isang Pinoy animator na huwag na sanang idamay ang buong pelikula dahil magmamarka ito sa kasaysayan ng movie industry bilang “first animated Netflix film from the Philippines.”
Sa kanyang Twitter, nag-post ang animation director at graphic artist na si @KevinKalbo ng, “I’ve worked on this awesome film. Please don’t judge it by its VA [voice actor]. He doesn’t represent the movie as a whole. Thanks!”
Saad pa niya, “Kung ako lang ang masusunod i-auto-eject ko na yun agad-agad. But alas, ako’y isang hamak na animator lamang. Support the artists who have worked hard on this project. Sila naman ang totoong bida dito.
“I can’t speak on behalf of Rocketsheep Studios kasi unfair naman yun kay Avid (Liongoren) and co. tsaka bit part lang naman yung inambag ko sa film. I can’t force everyone kung ayaw nila talaga. Pero ayun nga, mga artists pa rin talaga ang affected sa huli,” mensahe pa nito.
Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens tungkol sa issue.
Ani @sPAULArium, “Genuinely struggling with the call to boycott Hayop Ka. On the one hand, the animation industry in the Philippines doesn’t get the credit, and support it should, and it’s important for us to show that we will support more Filipino animated shows and films by watching it.”
Comment ni @lykahttn, “So imagine an animated show about animals with a soapy pinoy plot…I still hate Robin ’cause he’s a huge supporter of this fascist government, but I’ve been waiting for Hayop Ka! to be released for a while now. Manood kayo!”
“Please sign this petition! It’s to recast Robin Padilla from the animated Netflix film: Hayop Ka. Robin Padilla is a known DDS and is causing so many people to not support the film. RECAST HIM!” ayon naman sa isang kontra rin kay Binoe.
Hirit nama ni @s0rbetero, “Im conflicted. The people behind Hayop Ka worked really hard for the film, and knowing how damn hard it is to push for animated movies in the PH, I really wanna go see it. I don’t, however, wanna support Robin Padilla.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.