Rhian sumobra ang kapayatan ngayong may pandemya; Uge muling nagpa-swab test
MARIING pinabulaanan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na meron siyang eating disorder.
Kapansin-pansin kasi ang sobrang kapayatan ng dalaga base na rin sa mga litratong ipino-post niya ngayon sa Instagram.
Kaya naman ang tanong sa kanya ng mga netizen kung ano ang ginagawa niya sa pagbabawas ng timbang.
May nang-usisa rin kung may iniinda ba siyang sakit na nagiging sanhi ng pagnipis ng kanyang katawan.
Paliwanag ni Rhian, wala raw siyang sinusunod na diet ngayon kasabay ng pag-amin na ang pagbagsak ng timbang niya ay dahil umano sa stress.
Sagot niya sa kanyang fans and followers sa socmed, “Of course not (may eating disorder). In fact, kapag nakatingin ako sa salamin, alam ko, nakikita ko kung ano ‘yung hitsura ko.
“It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big. Iniisip kasi ng tao na nag-diet ako or nag-cardio ako para pumayat nang ganito.
“Pero ‘yung totoo lang talaga, it’s out of stress,” ang pahayag ni Rhian sa panayam ng GMA.
Sabi pa ng Kapuso actress, nagpapakundisyon na siya ngayon dahil malapit na rin siyang sumabak sa isang buwang lock-in taping para sa fresh episodes ng “Love of My Life”, kasama sina Tom Rodriguez, Carla Abellana at Connie Reyes.
Bukod dito, bibida rin siya sa bagong drama anthology ng GMA, ang “I Can See You,” na binubuo ng apat na mini-series — “Love On The Balcony,” “High Rise Lovers,” “The Promise,” at “Truly. Madly. Deadly.”
Kasama si Rhian sa last installment, ang “Truly. Madly. Deadly” with Kapuso couple Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.
* * *
Muling sumailalim sa swab test si Eugene Domingo bago sumabak sa taping para sa bagong episodes ng “Dear Uge Presents.”
Siyempre, safety first pa rin para sa buong production ng show para masigurong walang magkakasakit sa cast and crew.
Sa Instagram, ipinost ni Uge ang ilang clips habang nagpapa-swab test siya para sa COVID-19.
“So, ito na naman po tayo sa tinatawag na swab test para makapagtrabaho. Ayan po sila, yes! Sila po ‘yung mga manunusok,” ang chika ng TV host-comedienne na ang tinutukoy ay ang mga bayaning health workers.
Hirit pa niya sa mga ito after ng swab test, “Pwede na po bang dumilat? Masunurin po ako!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.