Liza nakipag-usap na sa abogado para ireklamo ang viral 'rape comment' | Bandera

Liza nakipag-usap na sa abogado para ireklamo ang viral ‘rape comment’

Reggee Bonoan - September 23, 2020 - 11:58 AM

POSIBLENG mapatalsik sa trabaho, makulong at pagmultahin ang staff ng isang internet service provider dahil sa kanyang viral “rape comment” laban kay Liza Soberano.

Ang nasabing empleyado na nakilalang si Melissa Olaes ay balak kasuhan ng kampo ni Liza tulad ng nasabi ng dalaga sa kanyang nakaraang social media post.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-usap na sa kanyang legal counsel si Liza pati ang manager nitong si Ogie Diaz para sa susunod nilang legal action.

Narito ang pahayag ni Ogie sa kanyang YouTube channel, “Hindi namin binibira rito ‘yung Converge kundi ‘yung ilang tauhan na hindi nagpapakita ng magandang asal sa kanilang mga customers.”

Hindi naman daw tinukoy ni Melissa ang pangalan ni Liza sa kanyang rape joke pero nag-comment siya sa post ng katrabaho niya na ang tinutukoy nga ay ang aktres.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Nag-comment ka ro’n, at ano ang sinasabi mong pribado, nakapubliko ka. Ang pribado ay ‘yung private message. Laitin ninyo si Liza, it’s okay karapatan n’yo ‘yan, pero magko-comment ka about rape? Na sana ma-rape siya?

“Ah talaga, naranasan mo na bang ma-rape no’ng araw? Kahit sa’yo anak, Melissa, matanda ako sa ‘yo, hindi ko hahayaan ‘yan at kahit sa dalawang daughter mo kung totoong may dalawang daughter ka, hindi ko rin hahangarin ‘yan dahil ako may limang daughter, nanay ng anak ko, nanay ko, mga kapatid ko, hello? Saan lupalop ka galing para maghangad ng masama sa kapwa?

“Okay lang ‘yung ‘sana matalisod ka!’ ‘Yung iba nga sinasabi sana ‘matigok ka na’ tinatanggap pa, pero ‘yung ma-rape? Nakakaloka, babae ka anak, bakit ka nagsasabi ng ganyan sa iyong kapwa? Ikaw ba ‘yan?” ani Ogie.

“Ganu’n kasimple sa ‘yo? Kababae mong tao, Teh! Kakaloka, kahit mga bakla hindi sasabihin ‘yan! At nakakahiya may anak ka! Lumampas ka sa guhit, ateng!”

At ang plano nina Ogie at Liza, “Pinag-uusapan na namin ng lawyer ‘yan, kung anong legal na aksyon na puwede naming gawin at the same time ‘yung data privacy law ay na-violate ng isang empleyado kung saan ‘yung kanilang report sa ipinare-repair ng mga Soberano ay inilabas nila.

“Nahusgahan tuloy si Liza sa pamamagitan ng report na ‘yun na pinalalabas nila na walang kasalanan, pero ang totoo sinisisi ‘nyo ‘yung mesh (internet system).

“’Yung mesh kasi ang kumukunekta para ‘yung internet connection kumalat sa buong bahay. Pero ang totoo last June pa tumatawag sa customer service ang pamilya ni Liza pero dedma, walang sumasagot.

“So gumawa ng paraan si Liza, bumili sila ng mesh na akala nila ay baka iyon ang makakatulong, e, wala napakahina pa rin ng internet connection kahit nag mesh na sila.

“So nu’ng nagreklamo si Liza through Twitter, ayan doon sila lumusob sa bahay. Nu’ng lumusob sila sa bahay, ni-repair nga nila kaya mayroon silang report na hindi kasalanan ng Converge dahil palpak daw ang mesh, pero ang totoo kahit nakakunekta sila sa mesh ay mahina pa rin ang speed, kaya walang naitulong ang mesh,” pahayag pa ng host-comedian.

Samantala, naglabas naman ng official statement ang Converge na hindi nila tino-tolerate ang mga empleyado nilang nagra-rant sa social media tungkol sa mga customer nila. Under investigation na raw ang nasabing pangyayari.

Naglabas na rin ng public apology ang nasabing empleyado sa pamamagitan ng kanyang Facebook page pero ipinagpipilitan pa rin niyang pribadong usapan ang nag-viral sa socmed.

Narito ang kanyang open letter: “SANG BUKAS NA PAGPAPARATING NG TAOS PUSONG PAGHINGI NG PAUMANHIN SA LAHAT.

“Isang mapagpalang gabi sa lahat ng makakabasa nito. Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko. Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter.

“Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG. Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts.

“Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang ‘pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos” – ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagte-trending na.

“Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap. Marami saking nagpi-pm ng mga masasakit na salita.

“Maraming nagreretweet at nagko-comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban. Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.

“Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon.

“Nauunawaan ko po kayong lahat hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang RAPE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya – random thought sa isang pribadong usapan.

“Ang salitang RAPE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment.

“Dahil dito, ako ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko.

“Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari. Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.

“Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.

“At lalo’t higit, sa inyong lahat isang taos pusong paghingi ng paumanhin po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending