MARIAN, ANGEL bati na; bagay sa remake ng ‘T-BIRD at AKO’ nina ATE GUY at VILMA
MAY gagawing proyekto sina Marian Rivera at Angel Locsin. Ito ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga social networking sites, matapos kumalat ang litrato ng dalawa na kuha raw sa isang pictorial.
Nakakuha kami ng kopya nito sa Instagram, at karamihan sa caption na nabasa namin ng mga nagre-post nito ay nakikiusap sa mga fans ng dalawang aktres na tigilan na ang pang-iintriga sa kanila dahil hindi naman talaga sila magkaaway.
Maraming nagpapalagay na baka raw magsasama sa pelikula sina Marian at Angel, may nagsabi naman na kuha ang litrato sa pictorial ng kanilang bagong endorsement.
Isang follower pa nga ni Angel ang nag-suggest na i-remake ang pelikula noon nina Nora Aunor at Vilma Santos na “T-Bird At Ako” dahil bagay na bagay raw sa kanila ang proyekto.
Well, whatever it is, ngayon pa lang, feel na feel namin na magiging isang malaking pasabog ang gagawin nilang project together. Aba, first time mangyayari ‘yan kung saka-sakali, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.