Jessy umamin: Hindi ko talaga type si Luis, gusto ko moreno, yung pa-mysterious | Bandera

Jessy umamin: Hindi ko talaga type si Luis, gusto ko moreno, yung pa-mysterious

Ervin Santiago - September 20, 2020 - 02:22 PM

DIRETSAHANG sinabi ni Jessy Mendiola na hindi ang tipo ni Luis Manzano ang “ideal man” niya.

Ayon sa dalaga, magkaibang-magkaiba kasi ang personality nila ng TV host-comedian kaya hindi sila talaga nag-click noong una silang magkakilala at magkasama.

“Naku, hindi. Hindi talaga kasi hindi kami same ng personality ni Luis. Napapansin n’yo naman si Luis napakakulit. Tapos ako kalma lang akong tao.

“Pero siguro more of naging parehas na rin ang hilig namin nu’ng nagkakilala kami nang husto,” pahayag ni Jessy nang makachikahan ni Angeline Quinto para sa kanyang online show na “PadaLove”.

“Simula pa lang talaga, as in talagang hindi ko siya type. Hindi talaga siya ‘yung ideal talaga na gusto ko. Kasi si Luis mestizo, ang talagang mga type ko nu’n moreno, ‘yung pa-mysterious, tahimik ganyan.

“Ito ‘yung proof na minsan talaga you don’t end up with the ideal na nakikita mong tao,” sey pa ng aktres.

Nagkuwento rin si Jessy na mga ganap sa takbo ng buhay nila ni Luis ngayong may pandemya, “Okay naman kami. Nu’ng nag-ECQ nag-stay ako sa place ko. Tapos siya, nag-stay siya sa bahay niya.

“Tapos nu’ng nag-GCQ, ayan nagkikita na rin kami. Tapos ‘yun nu’ng nag-MECQ, hindi na naman kami nagkita. Tapos ngayon lang kami nagkikita ulit nu’ng nag GCQ na ulit.

“Tsaka minsan kahit pa nasa sarling bahay niyang bahay siya tapos ako nasa place ko, talagang nag-uupdate-an kami kapag nag-workout na ba ‘yung isa. Nakatapos na ba ng workout,” pahayag pa ng dalaga.

Samantala, puring-puri naman ni Jessy ang pagiging matulungin at maawain ng kanyang boyfriend.

“Si Luis kasi, alam mo ‘yan Angge, ‘di ba, kapag ka meron siyang mga tinutulugan, kapag meron siyang alalayan na mga tao, hindi na niya pinapaalam. Ako ‘yung saksi na nakikta ko kung paano niya gawin.

“At naririnig ko talaga du’n sa kausap niya na, ‘Ay ‘wag mo na lang ipaalam na galing sa akin ‘yan ha’ and it’s very nice to see someone like that upfront na ganu’n pala talaga siyang tao.

“Nu’ng unang beses ko siyang nakitang ganu’n, parang sobrang lumambot ‘yung puso ko. Natunaw ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung appreciation lang na ipakita natin sa ibang tao na ganitong klase siyang tao kasi siya mismo, hindi niya pinapakita ‘yun. Hindi niya ipinapaalam,” lahad pa ni Jessy patungkol sa kabutihan ng puso ni Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending