Alden sa pagbabalik-taping: Sobrang iba! Tapos lahat hindi ko nakita 'yung mukha | Bandera

Alden sa pagbabalik-taping: Sobrang iba! Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha

Ervin Santiago |September 20,2020
facebook
share this

Alden sa pagbabalik-taping: Sobrang iba! Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha

Ervin Santiago - September 20, 2020 - 09:24 AM

 

ISA ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga Kapuso star na sumabak nang muli sa pagte-taping sa ilalim ng “new normal.”

Kabilang si Alden sa star-studded cast ng pinakabagong drama anthology ng GMA 7 na “I Can See You.”

Makakatambal niya para sa unang installment na “Love On The Balcony” ang Kapuso leading lady na si Jasmine Curtis-Smith.

Sa kanyang panayam sa GMA ay inamin ni Alden na nanibago siya sa unang acting project matapos ang ilang buwang community quarantine.

“First project shoot ko ‘yun since March. So, sobrang iba talaga,” lahad ng Pambansang Bae na aminadong sobrang na-miss na rin niya ang pag-arte.

Idinetalye rin ng Kapuso actor ang pinagdaanan nilang preparasyon bago mag-taping para maging handa habang nasa set.

“’Yung mga preparation prior to tapings nag-iba rin. Swab testing, tapos health monitoring. On the set, health monitoring pa rin. After nu’ng taping namin, ‘yung last day, nag-antigen swab kami,” aniya.

Dagdag pa ng binata, “’Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha. Lahat naka-mask, lahat naka-face shield. So, new environment.”

Makakasama rin nila ni Jasmine sa “Love On The Balcony” sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.

Mapapanood ang unang installment ng “I Can See You,” sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, ngayong Sept. 28 na sa GMA Telebabad.

* * *

Happy and excited naman ang Kapuso comedian na si Divine Tetay dahil balik-trabaho na rin siya para sa “I Can See You: High Rise Lovers.”

Makakasama naman niya rito sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga at Tom Rodriguez.

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip niya ang pagte-taping sa ilalim ng new normal.

Aniya, “I’m so happy to announce po sa inyo na officially we are back to work! Back to taping na kami after six long months! Thank you, Lord!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinakita rin niya ang kanyang kwarto habang naka-lock-in taping at mga baong pagkain at gamit.

“I hope you guys are okay because I am so okay. I just want to share the love and happiness sa inyo,” say pa ni Tetay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending