Kathryn nagpaka-kupido sa relasyong Khalil-Gabbi: Thank you, we love you! | Bandera

Kathryn nagpaka-kupido sa relasyong Khalil-Gabbi: Thank you, we love you!

Ervin Santiago |September 18,2020
facebook
share this

Kathryn nagpaka-kupido sa relasyong Khalil-Gabbi: Thank you, we love you!

Ervin Santiago - September 18, 2020 - 09:09 AM
SI KATHRYN Bernardo pala ang nagsilbing tulay para magkakilala ang young celebrity couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia. Ayon sa magkasintahan, ang girlfriend ni Daniel Padilla ang naging kupido sa kanilang relasyon at todo ang pasasalamat nila ngayon sa dalaga. Tandang-tanda pa ni Khalil ang mga eksena nang magkrus ang landas nila ng Kapuso singer-actress noong 2015 sa debut ni Julia Barretto. Ayon sa binata, agad niyang tinanong si Kathryn kung sino yung babaeng katabi niya sa kanilang table. “At that time, ‘yung relationship namin ni Kath, hindi kami like now. We’re much closer now. Pero out of nowhere, I asked her who you were,” pahayag ng actor-singer. “Tapos parang naramdaman niya yata kaagad na parang I’m crushing on you or I like you. “Sabi niya agad, ‘Si ano iyan, si Gabbi. Papakilala kita, papakilala kita. Halika, halika, papakilala kita,’” ang pa-throwback na kuwento ng aktor. Sey naman ni Gabbi, ipinakilala siya ni Kath kay Khalil bago sila dumiretso sa dance floor para mag-enjoy. “Sumayaw pa kami sa dance floor ni Kath. Suddenly, someone from Star Magic pulls her and said she has an interview so I was alone. Hindi ko na alam, bigla ka na lang lumapit sa akin,” ang sabi ni Gabbi kay Khalil. “After the small talk, I went looking for my friends. He went with me, he helped me look for them. And when I saw sila na, you were just there. You were just following me the whole night,” patuloy pang pag-alala ng dalaga nang gabing yun. Inamin din ni Gabby na waiting siyang hihingin ni Khalil ang cellphone number niya pero waley. Pero kinabukasan, nakatanggap siya ng message mula sa binata sa pamamagitan ng social media. “We became friends for a short bit and we lost contact na. Nu’ng 2017 na ‘yung next,” sey naman ni Khalil. Aniya, nagsimula silang mag-date ni Gabbi noong 2017. Tatlong taon na ngayon ang kanilang relasyon kaya naman ang shoutout nina Khalil at Gabbi, “Thank you Kath, we love you. And we miss you if you’re watching.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending