Pokwang tinawag na pangit at OA: Next time spread love ‘nak, 'wag puro hate | Bandera

Pokwang tinawag na pangit at OA: Next time spread love ‘nak, ‘wag puro hate

Ervin Santiago - September 17, 2020 - 02:12 PM

 

TINAWAG na “pangit” at “OA” ng isang laiterang netizen ang TV host-comedienne na si Pokwang.

Talagang walang patumangga niyang inokray ang itsura ni Pokey at pati ang pagiging aktres niya ay binasag din ng basher.

Nag-post kasi ang komedyana ng litrato nila nila ng kanyang partner na si Lee O’Brian sa Instagram na kuha sa ABS-CBN Ball last year. Suot niya ang kanyang green gown habang naka-Barong Tagalog naman si Lee.

Sa caption inalala ni Pokwang ang pagpunta nila ni Lee sa nasabing ABS-CBN event na dinaluhan ng halos lahat ng executives at malalaking artista ng network.
Kasabay nito nag-promote rin ang komedyana para sa bagong show ng kanyang partner na napapanood na ngayon sa Facebook.

Maraming nag-congratulate kay Lee pati na rin kay Pokwang dahil sa kabila ng mga kaganapan sa showbiz ay patuloy pa rin ang pagdating ng trabaho sa kanila.

Pero may isa ngang netizen ang nambasag kay Pokey at nag-comment ng, “Ang pangit..huhuhu i dont like this actress very OA.. Siya. papansin pa hahahaha.”

Ngunit sa halip na pagsalitaan din ng masama tulad ng ginagawa niya sa kanyang haters at mga trolls, mahinahon at kalmado ang pagsagot ni Pokwang sa basher.

Aniya, “Next time spread love ‘nak wag puro hate kasi masyado na maraming pinagdaraanan ang mundo, magdasal na lang tayo kesa mag hasik ng galit.”

Pinuri naman ng kanyang IG followers ang TV host sa maayos na pagsagot niya sa hater.

Tama lang daw na kabaitan at pang-unawa ang dapat na ibinabalik sa mga taong mapanghusga at puro kanegahan ang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending