Joshua adik na rin sa libro: Dati hindi ko alam pagkakaiba ng fiction sa non-fiction... | Bandera

Joshua adik na rin sa libro: Dati hindi ko alam pagkakaiba ng fiction sa non-fiction…

Ervin Santiago - September 17, 2020 - 11:54 AM
MULA nang magkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 isa sa mga naging libangan ni Joshua Garcia ang magbasa ng iba’t ibang klase ng libro. Aminado ang Kapamilya actor na hindi talaga siya mahilig magbasa ng libro noon pero gustung-gusto raw niyang bumibili ng mga books. Aniya, isa ang ex-girlfriend niyang si Julia Barretto sa mga nanghikayat at nang-impluwensiya sa kanya na magbasa nang magbasa kapag may libre siyang oras. “Noong kami pa ni Julia dati, nagpupunta kami sa mga store ng libro, namimili ng mga libro. Pero di ko binabasa, bili lang ako nang bili. “Yung pagkahilig sa pagbili ng libro, nakuha ko sa Nanay ko, iyong hindi pagbabasa ng libro, sa Tatay ko,” ang natatawang kuwento ni Joshua sa panayam ng Cinema News At Home Edition kamakailan. Hirit pa niya, “Ang dami kong binili before. Kinuha ng Mama ko iyong iba. Iyong natira, kaunti na lang.” Chika pa ng binata, napakalaki nang naitulong sa kanya ng pagbabasa nitong mga nakaraang buwan dahil kahit paano’y nalilibang siya and at the same time nagiging productive rin. “Tinapos ko iyong about sa ‘Broken,’ poem siya. Natapos ko na rin Secret Life of Introverts. Natapos ko rin iyong The Creative Curve,” sey pa ng aktor. “Binabasa ko ngayon, mahilig kasi ako sa non-fiction. Before di ko alam difference ng fiction sa non-fiction. Mas interesting sa akin non-fiction. Binabasa ko ‘You’re A Bad Ass,’” patuloy pang kuwento ng Kapamilya young actor. Sa patuloy na community quarantine at habang wala pang pinagkakaabalahang trabaho, “Gino-goal ko ngayon sa isang araw para maging productive lang ako, at least maka-40-50 pages ako. Iyon ang goal ko.” Pagpapatuloy pang chika ni Joshua, “Pinapaalala ko sa sarili ko, hindi ako nag-aaral. Feeling ko kapag nagbasa-basa ako, nakakatulong sa work ko, mga interview. Sa mga tamang pronunciation and vocabulary. Nakakatulong naman.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending